Angel Locsin at Phil Younghusband, Officially Together and in Love!

ANGEL LOCSIN stars in Star Cinema’s Valentine movie offering Unofficially Yours opposite John Lloyd Cruz. Marami ang excited sa bagong pelikula at sa katunayan ay nag-trending pa sa Twitter ang trailer ng movie. Sina Angel at Lloydie ay huling nagkasama sa teleseryeng Imortal.

In Unofficially Yours, Angel and Lloydie play an odd couple na may magkaibang pananaw sa pag-ibig. Angel is Ces, ang babaeng hindi naniniwala sa pag-ibig, while Lloydie is Mackie who is willing to give his all for the one he loves.

Napag-uusapan na rin lang ang tungkol sa pag-ibig ay kumusta na ang estado ng puso ni Angel? It’s public knowledge kasi that Lloydie and Shaina Magdayao are “officially” back in each other’s arms.

Pero kung nagkabalikan na sina Lloydie at Shaina ay ano naman ang maitatawag sa relasyon nina Angel at Phil Younghusband? Marami na ang nag-aabang kung kailan nila aaminin na “official” nang sila. Matatandaan na nagsimula ang lahat when Phil invited Angel on his Twitter account kung pwede silang mag-date noong Valentine’s Day last year. Angel was not available that day pero natuloy naman sa ibang araw ang kanilang date. Since then, the two are inseparable.

Phil said, “We’re officially together. I mean ‘di ko alam iyong title or iyong pangalan ng status. Pero ang alam ko, we’re in-love. Sobrang masaya.”

Kahit hindi man nila aminin that they’re a couple ay nakikita naman natin kung gaano sila kasaya sa piling ng isa’t isa. At iyon ang mahalaga. Iba ang kislap ng kanilang mga mata at ngiti sa labi. Sabi nga, actions speak louder than words.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

8 thoughts on “Angel Locsin at Phil Younghusband, Officially Together and in Love!

  1. i love na ang babae pa ang hindi umaamin sa relationship nila. pero angel stop wearing those side keyhole dresses and slits. hindi mag tre trend iyan, mukha lang napunit dahil tumaba ka. it doesn’t look good. sorrry chicka.

  2. maganda talaga si Angel! totoong tao pa huh! mag subscribe nalang kayo mas credible and BI’s ni FashionPulis.com dyan din nila knuhuha yung BI e. kalerQUI

  3. i like her, all my sisters do ^^, my coworkers and all the people I know like her so much, and they all watched and some who haven’t watched are surely going to watch her movie with Johnlloyd Cruz. Well no wonder why her movie with Joh lloyd is now officially a blockbuster movie because many people like her!

  4. ewan ko ah pero bkit nung nalink cla sa isat 1 andaming ayw n k angel.
    akala ko ako lng nun pero buong barkada ko pti mga pinsan at kptbahay ko pla.

  5. palage lang sinasabi ni angel na Unofficial sila ni phil, hehehehehehe. sa movie nya with JLC unofficial sila but they already indulge in sex!!! ganun din ba yun sa kanila ni phil???

Leave a Reply

Your email address will not be published.