Angel Locsin at Luis Manzano: Love is lovelier the second time around

Luis-Manzano-Angel-LocsinIT LOOKS like love is lovelier the second time around para kina Luis Manzano at Angel Locsin. Ito ay matapos aminin ni Angel na mahal pa rin niya si Luis. “Mahal ko siya at gusto ko siyang makasama,” was her answer regarding her feelings for Luis during an interview on Buzz ng Bayan. Wala namang masama dahil pareho silang single ngayon.

Kumusta na ba sila? Luis answered, “We are taking things step by step. If you ask, she obviously already answered. She hasn’t answered me but I am very vocal about it of clearing things with her. So, I guess it’s just a matter of formality.

“I like to think that we both matured in our past love stories. So, hopefully with all the things happenings, it could be a new love story for us.”

From their recent photos in Dubai for the two-day show of ASAP, makikitang sweet na sweet ang dalawa. Luis posted a photo of him kissing Angel on his Instagram account with the caption, “Kulet and Kiti headed back to Manila :)”

Meanwhile, nag-post din si Angel sa kanyang Instagram account ng litrato ni Luis while inside the plane with the caption, “Maraming salamat po sa mga nanuod ng asap live dito sa dubai! Pabalik na ngayon ng pinas kasama netong seatmate ko  simulan na ang masarap na usapan.”

Pati tuloy si Gov. Vilma (Santos) ay hiningan ng komento tungkol sa muling pagkakamabutihan nina Luis at Angel. She said, “I’m happy kasi si Angel ay hindi naman iba. Alam natin na nagkaroon na rin ng relasyon sila dati plus the fact na nakasama na rin naman namin si Angel. Ang nanay nandito lang to support. As long as I know [na] maligaya ang anak ko.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

3 thoughts on “Angel Locsin at Luis Manzano: Love is lovelier the second time around

  1. Praiste the Lord, sana sila na ang makatuluyan, at halata namang mahal na mahal ni Luis, si Angel may mga video sila sa Dubai, ang sweet talaga nila. go! Luis and Angel God Bless You Both….

Leave a Reply

Your email address will not be published.