Angel Locsin at Luis Manzano, isang malaking gimik ang sinasabing pagpapakasal?

Angel-Locsin-Luis-ManzanoMUKHANG MAAABUTAN na ang ratings ng soap ni Angel Locsin ng teleserye ni Jennylyn Mercado.

Kung ibinalibag ng soap ni Angel ang teleserye ni Jennylyn sa pilot episode nito which according to AGB Nielsen Mega Manila ay nag-post ang The LegalWife ng 23.9% against Rhodora X’s 15.8%, ngayon ay konting-konti na lang ang lamang ng soap ng Dos. Sa Feb. 6 episode ay nakakuha ang TLW ng 16.6% against Rhodora’s 16%.

With that ay marami tuloy ang nagtatanong kung paanong mabilis na nakahabol ang GMA teleserye ni Jen sa soap ni Angel.

Ang dagdag pang chika, walang masyadong pumapasok na ads sa soap ni Angel. Iilan-ilan lang daw ang commercial nito.

Naku, isang Jennylyn Mercado lang ba ang tatalo sa isang Angel Locsin?

Dating pa lang daw sina Angel and Luis Manzano. ‘Yan ang pag-amin ni Angel mismo kay Kris Aquino sa show nito.

Pero tila marriage is already in the horizon dahil tinanong ni Kris si Angel kung kailan ang kasal nila para mapaghandaan ang kanyang regalo.

Marami naman ang naloloka sa bilis ng pangyayari. Parangh hindi kapani-paniwala na biglang nagkagustuhan muli ang dalawa.

Ano ito, isang malaking gimik dahil pababa sa nang pababa ang rating ng soap ni Angel?

 

AS A celebrity couple ay magandang ehemplo sina Christopher Roxas at Gladys Reyes. Wala kasing intriga sa kanilang pagsasama, smooth sailing ang kanilang relasyon.

Actually, they decided to marry after eleven years of being a couple and now they’re married  for ten years. They have three kids.

This week sa Cornered by Cristy sa Showbiz Police ay tampok ang love story nina Gladys and Christopher.

Alam n’yo bang even at her wedding ay birhen na birhen si Gladys nang pakasalan siya ni Christopher? Ganoon iningatan ni Christopher si Gladys at ganoon iningatan ni Gladys ang kanyang pagkababae. Isn’t that wonderful?

Anyway, interesting din siguro for the public to know kung anu-ano ang mga pinag-aawayan ng young couple, kung paanong magtaray si Gladys. Katulad din ba siya ng kanyang imahe na mataray?

All of that will be exposed sa Cornered By Cristy ni tita Cristy Fermin sa Showbiz Police na mapapanood everyday, alas kuwatro nang hapon sa TV5, kasama pa ang ilang interesting segments dahil kayo ang una sa eksena.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

5 thoughts on “Angel Locsin at Luis Manzano, isang malaking gimik ang sinasabing pagpapakasal?

  1. Ano ang nagawa ni Angel, kay bipolar (jenilin)(jennylyn) and Phil Oldhusband? Matagal nang hiwalay si Luis kay bipolar at si Angel kay Oldhusband. HA!!! HA!!!..HA!!! wawa naman asa pa…………………….

  2. Parang kAnta ang bagong teleserye ni ngiwe spaghetti paba ng pababa hahahahhaa kawawang ngiweee aantay naman ng 3 to 5 years bago mabigyan ng soap ulit. Karma yan dahil sa ginawa niya kay phil at jennylyn

  3. Ano kaya ang makukuha nila kung gimik lang? Ang baba naman reason na yan. Sinabi nila ni Angel/Luis na kasal maybe malapit na a year or one year and a half nasa Dubai sila nun January 24, e ang *Legal Wife* showing yun January 27, isip isip lang pag may time OKAY?…Thank You.. GOD BLESS ANGEL/LUIS we love you both!!!..

Leave a Reply

Your email address will not be published.