Angel Locsin at Luis Manzano, ayaw madaliin ang pagpapakasal

Luis-Manzano-Angel-LocsinNAGKABALIKAN NA nga sina Angel Locsin at Luis Manzano. Ayaw pa sanang ipagmakaingay ng actress ang kanilang relasyon dahil masyado pa raw maaga. Sa sobrang tuwa ng anak ni Gov. Vilma Santos, hindi nito napigilang aminin sa publiko na sila na ngayon uli ni Angel. Maging sa last episode ng game show ng TV host/actor, special guest niya si Angel. Agad-agad nga nagpaunlak ang dalaga kaya’t naging masaya at memorable para dalawa ang last TV game show ni Luis.

Kitang-kita sa kanila,very much in love sila ngayon sa isa’t isa. Iba ‘yung body language na nakikita namin on TV habang naglalaro si Angel, nakamasid lang si Luis.

Maging si Angel ay nagpakatotoo sa sarili nang aminin nito may kakaibang kilig nang muli silang nagkita at nagkausap ng dating ex-boyfriend kahit ikinagagalit ng mga fans ni Phil ang naging pahayag nito. Mahal pa rin niya ang TV host/actor kahit kahihiwalay pa lang ni Angel sa boyfriend niya si Phil Younghusband. Iba raw ‘yung intensity ng pagmamahal niya kay Luis kaysa kay Phill. Ayaw niyang dayain ang sarili at ang publiko sa totoo niyang nararamdaman para sa actor.

Muling niligawan at sinuyo ni Luis si Angel, naging madalas ang kanilang pagkikita. Nagtatawagan at nagte-text kapag hindi sila magkasama. Pinaramdam ni Luis kay Angel kung gaano niya kamahal ang dalaga. Na-realize ng binata na hanggang ngayon, nasa puso pa rin nito ang dating ex-girlfriend kahit naging dyowa niya si Jennylyn Mercado.

Palibhasa nakita at naramdaman ni Angel na seryoso si Luis sa panliligaw sa kanya at totoong mahal nga siya nito, hindi na nagpakipot pa ang actress, sinagot agad niya ito uli, for the second time. Marami ang natuwa sa muling pagbabalikan ng dating magka-relasyon. Lalong-lalo na sina Ate Vi at Edu Manzano. Ever since naman, boto ang mga ito kay Angel  para sa kanilang anak. Kung si Edu lang ang masusunod, gusto na niyang mag-asawa si Luis para makita agad niya ang una niyang apo.

Ayon kay Edu, kahit sinong babaeng magustuhan ni Luis, hindi sila tututol ni Gov. Vi. Ang importante, mahal siya ng kanilang anak at mahal nila ang isa’t isa. Kung gugustuhin daw ni Luis na lumagay sa tahimik ay puwedeng-puwede na siyang mag-asawa. Marami na raw itong naipundar, may sariling savings, condo unit, properties in Metro Manila at Batangas. Palibhasa hard-working at marunong humawak ng perang pinaghirapan, masuwerte ang babaeng kanyang mapapangasawa.

Pero para kina Luis at Angel, ayaw muna nilang pag-usapan ang tungkol sa kasal. Ngayon pa lang daw nagsisimula ang kanilang relasyon. Marami pa silang dapat ma-achieve sa kani-kanilang career. Huwag daw madaliin ang mga bagay-bagay. Enjoy lang muna kung ano ang mayroon sila ngayon. Kailangang makilala muna nilang mabuti ang isa’t isa.

Sabi nga ni Angel, kung talagang kayo, mangyayari ‘yun. Hayaan raw muna natin sila ni Luis na i-enjoy ang kanilang relationship. Marami pa rin siyang pangarap para sa sarili, career at sa kanyang pamilya.

Palibhasa parehong nag-mature as a person, marami silang natutunan sa buhay lalo na pagdating sa relationship. Na-experience nila ang iba’t ibang klase ng pagmamahal na ibinibigay nang kanilang ka-relasyon. Ibang klaseng love relationship ang kina Luis at Jennylyn, ganu’n din ang kina Angel at Phill. Hindi puwedeng i-compare ang relationship nina Luis at Angel sa kanilang past love affairs. Wish namin, huwag na sanang maghiwalay pa sina Angel at Luis, they’re perfect for each other. ‘Yun lang.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

15 thoughts on “Angel Locsin at Luis Manzano, ayaw madaliin ang pagpapakasal

  1. Steelbardancer, kung fan kayo ni Marian/Jennylyn i love marian pero kay jennylyn ummm malabo at sa sinabi mo na makati si Angel, mas makati si Jennylyn, kaya sila nakahiwalay ni Luis, dahil nakipagkita pa si jennylyn sa kanyang huling ex hanapin mo ang article ng Phil Star, ang tunay na dahilan sa break-up nina Luis/Jennylyn at Angel/Phil kung sino ang user good luck sa paghanap ng article at malaman mo kung sino ang writer. BADLUCK!!!!!!!!

  2. Bodacious, sa sinabi mo na mangamit sina Luis/Angel baka si Jennylyn/Phil ang mangamit basahin nyo ang article sa Phil Star, ang tutuong dahilan sa break-up nina Luis/Jennylyn and Angel/Phil, kung ano ang kanilang ginagawa. Research muna bago BLAH!!! BLAH!!!…

  3. Tama ka Angelika de Cuz, matagal na kinikimkim ang kanilang manga damdamin at hindi nawawala hanggang ngayon mahal pa rin nila ang isa’t isa. Sabi pa ni Angel ,mapride lang sya nun at dahil mahal nya si Luis, kailangan daw nya ibaba ang pride sa ngalan ng pagibig. Wish ko sa kanila stay strong and love forever God Bless you Both…

  4. oh kita naman kung sino talaga ang malaki ang bunganga, eh. si luis!!! pakasal na kayo nang wala na kayong magamit pa na ibang tao.

    • nyahahahahhaah hindi lang Big gimmik kundi Big liar pa….hahahhaha si luis magpapakasal hahahaha kaya na ba ng kanyang tunay na damdamin ” ang magpakalalaki he he ewan lang natin hahahahah maraming ‘konsiderasyon bwahahahah ang ‘ showbiz career o ang balak na Political career,,,hahahahaha…bilib din ako dito kay Luis…magaling siyang “magtago” hahaha ng kanyang tunay na damdamin…..

  5. Wish ko lang true si Angel sa kanyang love ke Luis. Sabi nya my feelings pa sya ke Luis. Iba ang feelings sa love. Para kasi promo user lang para sa kanyang tv series.

  6. Dapat maging endorser si ngiwe ng caladryl masyado makati o baka naman gimmik lang kasi kulelat sa ratings ang the laspag wife

    • Sorry sa mga bashers. Ngpakatotoo lang sila angel at Luis. ang tagal rin nilang kinimkim ang tunay na nararamdaman nila sa isat-isa. Kung magtutuloy-tuloy ang ganda ng relationship nila eh hayaan natin sila. Balak pa lang naman sa 2015 daw ang plano. Malay natin di pa matuloy yan.

      • nyahahahhaha sana ikaw ang magpakatotoo hahahaha at aminin mo na lang sa sarili mo na may “sariling mundo” si luis,,,nagtatago lang yan,,,,,,user ito . kawawa ang mga babaeng ginagawa niyang ” fronta’ nagbabalatkayong siya si Romeo hahahah yun pala deep inside feeling niya siya Juliet bwahahahha mga “closeta’ diyan huwag na kayong mangamit pa ng babae hahaha “unfair” naman sa kanila hahahaha tama na sa katol network ang isang KC Concepcion….he he

      • ohhhhh baka si Angel may gusto pa kay luis hahahah o kaya ginagamit niya lang siya dahil may tinatago ring lihim…hahaha diba may tsismis sa kanila ni Malou Santos ang Tiboling Executive ng Katol hahaha kay luis naman duda akong love niya si Angel hahahha,,,,nag gagamitan lang ang dalawang yan,,,hahahhaa iba ang mahal ni Luis,,,,,,si B.C. ang kanyang BFF forever hahahah

Leave a Reply

Your email address will not be published.