ANGEL LOCSIN AT KIM CHIU, SA TWITTER NILILIGAWAN!

THERE HAS BEEN a technology influx in recent years gaya ng internet, cellphone, at mga social networking sites like Facebook, Multiply, and Twitter. The new media’s audiences are basically online users who are both computer- and internet-savvy. In the past, we communicate with our family and friends through mail or face to face interaction.

Isang halimbawa ng pagbabago ay ang panliligaw. Dati, uso ang harana lalo na sa mga probinsiya, kaya sa tuwing may bagong dating na dalaga galing sa Maynila ay asahan mo ang mga binata na may dala-dalang gitara at nag-uumpukan para magpraktis ng kanilang harana. Pero ngayon ay may ibang mga kabataan ang nakapanliligaw na gamit ang kanilang mga cellphones at e-mails.

I don’t know if we can call it a trend, pero mukhang nag-level-up na ang panunuyo sa isang tao because people these days use Twitter to express one’s admiration or affection for the opposite sex. At mas pinag-uusapan ito dahil mismong mga celebrities ang gumagamit nito at lantaran na nakikita ng publiko who are following them. Gaya na lamang ng mga sumusunod na celebrities who use Twitter as their platform for expressing their true feelings.

Ang pinakamaugong na balita siguro these days ay ang mga tweets nina Angel Locsin and Team Azkal’s football player Phil Younghusband. He invited Angel for a Valentine’s date. Sumagot si Angel telling him that she’s not available on that day because of work, pero puwede naman daw siguro sa ibang araw. Natuloy na sa wakas ang kanilang inaabangang friendly date na target shooting matapos itong hindi matuloy bago ang Valentine’s Day.

Inihayag din kamakailan ng DLSU Green Archer na si Simon Atkins sa Twitter ang kanyang paghanga kay Kim Chiu. He posted Kim’s name followed by three exclamation points and a smiley. He even asked his friend, former PBB Teen housemate Josef Elizalde, to introduce him to Kim. But he later clarified na gusto lang niyang makilala si Kim, pero if he will be given the chance ay nais niya itong imbitahin sa isang pormal at personal na paraan. Ayon sa balita ay nagkausap na raw ang dalawa over the phone.

At nabuko naman si Direk Lino Cayetano sa kanyang umano’y panliligaw kay Liz Uy. In his Twitter account, he posted, “Hmmm… akala ko pa naman secret ang panliligaw ko.” Nagreply naman si Liz ng “Ayan, niretweet ko para ‘di na secret!!!”

What an exciting world it is!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “ANGEL LOCSIN AT KIM CHIU, SA TWITTER NILILIGAWAN!

  1. balita ko nagsara ng twitter si atkins dahil napeste yata sa mga atribidang fans ni kim..susme, ano bang klaseng mga fans yan puro pakialamera

Leave a Reply

Your email address will not be published.