Angel Locsin at Dingdong Dantes, ang sweet sa Baguio!


NAKAPAGSIMULA NANG
mag-shooting sina Dingdong Dantes at Angel Locsin ng One More Try, ang official entry ng Star Cinema para sa Metro Manila Film Festival ngayong December 2012.

Location shooting set ng pelikula ay sa romantikong Baguio City, kung saan kinunan ang ilang piling mga romantikong eksena nina Dingdong at Angel.

Tiyempong nakatabi namin sa upuan sa audience ng Virgin Labfest sa CCP last week ang direktor ng pelikulang si Direk Ruel Bayani, at masaya itong nagkuwentong smooth sailing lang daw ang kanilang shooting ng One More Try sa Baguio at hindi na kami nagtaka nang sabihin niyang pinagkaguluhan ng mga tao sina Angel at Dingdong saan man magtungo ang dalawa.

“Very professional sina Dingdong and Angel on the set, smooth sailing ang shooting namin,” chika ni Direk Ruel.

Sa showbiz, walang imposible. Aakalain ba nating after mag-ober da bakod ni Angel from GMA dati papuntang ABS-CBN, eh makakatrabaho pa nito ang isang solid Kapuso actor na si Dong?

We all thought na puro Kapamilya actors na ang makakapareha ng magandang aktres, pero dahil sa Star Cinema, we’ll get to watch Angel with Dong, na for now ay expired na ang GMA Films contract, kundi sa TV network na lang ang existing contract nito, kaya nakagawa siya ng movie under Star Cinema.

Kuwento ni Direk Ruel, bawal pa nga raw sabihin ang buong plot ng movie, basta’t kakaiba raw ito at aabangan ng mga mahihilig sa romance-drama. May idea na rin kami ng “kakaibang twist” sa story pero since off the record pa ‘yun eh, abangan na lang natin ito sa MMFF.

Hindi rin patatalo ang character ni Angelica Panganiban sa tambalang Dong-Angel sa istorya, at kasama rin sa cast sina Carmina Villarroel and Zanjoe Marudo.

Si Direk Ruel ang nagdirek ng blockbuster movie last year na No Other Woman and makakaasa tayo ng isa pang makabuluhang adult drama with One More Try, with big names in the cast like Dingdong, Angel, and Angelica.

Aniya pa, may pool of writers ang Star Cinema na gumawa ng script pero marami rin daw siyang inputs sa story/ script, pero hindi na siya nagpa-credit. After all, he’s the captain of the ship, ‘ika nga.

 

SPEAKING OF Angel Locsin, isa rin ito sa nominado para sa Actress of the Year ng Yahoo OMG Awards 2012 na gaganapin bukas, July 6, Thursday nang gabi sa SM MOA Arena, Pasay City.

Sinasabing malakas ang laban ni Angel sa kategorya, pero ayaw ring padaig ng fans nina Anne Curtis at Marian Rivera na mga kapwa nominado rin, along with Carla Abellana and Cristine Reyes.

Mga fans nga kasi ang bumoboto online ng kanilang mga paboritong artista to win in several categories.

Someone from Yahoo OMG Awards 2012 revealed to us na pukpukan nga raw ang laban nina Angel, Anne, and Marian sa Actress of the Year award, kaya exciting abangan who will bag the trophy.

Sa Actor of the Year, nominado naman sina Coco Martin, John Lloyd Cruz, Dingdong Dantes, Gerald Anderson, and Derek Ramsay.

Sa nakaraang presscon ng said event, mismong ang head nila sa production ay nagtaka at nanghinayang dahil wala sa 5 nominees ang personal favorite actor niyang si Piolo Pascual.

Ang basehan nga raw kasi ng kanilang official nominees ay kung nag-”trend” ang nasabing celebrity sa Yahoo all throughout last year. Meaning, “kinabog” ng lima si Piolo in terms of trending o pinag-uusapan ng publiko, sa nasabing website.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

10 thoughts on “Angel Locsin at Dingdong Dantes, ang sweet sa Baguio!

  1. iba talaga mag isip ang star cinema! imagine best actress and best actor pinag sama ng movie1 hanip! excited na kaming mapanood ang one more try! angel your the best1 we knw effort mo nitong movie ang gaganda ng story and we sure humble ka pa rin! GMA stars walang award? of course, marian rivera lang kasi nakita nila! sorry but marian is not a gifted actress that is she can’t act naturally! pangit ng mga acting nya! sana, magising kayo gma upang hindi kayo malulugi ng tuluyan!

  2. Tama na ang mga ganitong press release. Dingdong is happy with Marian. Angel is happy with Phil. Period.

  3. DI HAMAK KASING AWARD WINNING NA SI ANGEL EH SI MARIAN? WALA PA HAHA! HANGGANG NGAYON KASI BANO PA RING UMARTE SI MARIANITA

  4. Anu ba kayo?.. Meron nman silang DongYan noh!! Sila na ksi ngayon ang masasabing King and Queen of GMA stars eh>>Tingnan nyo,sila lng ung kapuso stars na nakapasok sa A-Lister ng Yes Magazine 100 most beautiful stars 2012 db??

  5. arruuu…wala eklat ang news na yan…kasi sinagot na ni angel si phil younghusband,,,kaya yang chika na sweet sila eh,,,masyadong Flop!!!! siguro kung ang gagawan pa ng news eh si Angelica panganiban at Dingdong,,,knowing Angelica P…..hindi niya hihindian si dingdong buahahaha

  6. bakit ganun? lahat na lang mga mga award giving bodies eh majority ng mga nominado at mga nanalo puro mga kapamilya? mga kapuso nasaan na kayo? hahahahahahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.