Angel Locsin at Chito Miranda, aaminin na ang relasyon?!

MUKHANG MALABO NANG magkabalikan pa sina Angel Locsin at Luis Manzano – ‘yan ay kung totoo ang balitang nakarating sa amin na ‘more than friends’ na ang relasyon ng #1 sa Sexiest Women ng FHM kay Chito Miranda. Sabi pa ng source namin, isang very expensive na bike ang iniregalo ng bokalista ng Parokya ni Edgar kay Angel. ‘Yun kaya ay dahil nanguna nga si Angel sa recent poll ng nabanggit na men’s magazine?

Madalas din daw na bisita ni Angel si Chito sa kanyang tahanan, dagdag pa ng aming source. At ilang beses na rin namang naispatan ang dalawa sa magkakaibang okasyon, ‘di ba? Kahit na sa mga panayam kina Angel at Chito ay patuloy nilang idinedenay na may romansa nang namumuo sa pagitan nila, diin naman ng aming source, bumubuwelo lang daw ang dalawa at tiyak na aaminin din nila ang relasyon nila.

‘Yun kaya ay kapag break na sila?

SHELVED NA ANG movie project na pagsasamahan sana nina Robin Padilla at Toni Gonzaga. Ang dahilan ay hindi raw ito matatapos sa itinakdang playdate next month. Parehong abala raw ang dalawa sa kani-kanilang mga commitments.

Pero ibang ‘dahilan’ ang nakarating sa amin. Bulong ng isang malapit kay Toni, gusto raw ni Robin na hindi pa committed ang leading lady niya, meaning ‘single’ pa raw dapat ito. At kahit hindi pa naman kasal si Toni sa boyfriend nitong direktor na si Paul Soriano, tila hindi pa rin daw pasable ‘yon sa action star-turned-TV host.

Pahaging pa ng aming source, mainit pa rin daw ang isyu kina Robin at Mariel Rodriguez. Ibig kayang sabihin ay may posibilidad na ang Wowowee co-host ang maging leading lady ni Binoe?

Anyway, tuloy pa rin daw ang movie project ni Robin sa Star Cinema. At isang ‘young actress’ daw ang makakapareha ng original Bad Boy of Philippine Cinema.

HONESTLY, MAS GUSTO naming naririnig na kumakanta ng live si Jovit Baldivino. Mas ramdam namin ‘yung emosyon niya. Narinig namin ang single niyang ‘Too Much Love Can Kill You’, pero parang may kulang. Dahil kaya iba ang recording kesa sa live? Mas pulido at mas malinis na ang winning piece niya sa Pilipinas Got Talent.

Isa rin kayang malaking factor ‘yung ‘personalidad’ ni Jovit, kaya mas gusto namin siyang napapanood nang live?

Bugbog sa airplay ang single ni Jovit na original ng British supergroup na Queen. Sikat na sikat ang version ng Batangueño’ng dating nagtitinda lang ng siomai.

Pero lagi naming sinasabi, hangga’t walang awitin ang isang singer na masasabi niyang kanya – isang original song na titimo sa kamalayan ng tulad naming umaasa pa ring maibabalik ang Original Pilipino Music, ang hangganan ng kanyang kasikatan ay hangga’t nakikiangkas na lang siya sa pamosong awitin ng iba.

For comments, e-mail el_borromeo@yahoo.com.

Bore Me
by Erik Borromeo

loading...

21 thoughts on “Angel Locsin at Chito Miranda, aaminin na ang relasyon?!

  1. ganyan naba ang tingin nyo kay chito grabe kau ang gwapot ganda nyo huh
    kah8 ganyan ang itsura ni chito kasi laging puyat halos araw araw may gig 
    gwapo naman sya ah mahiya naman kau 
    pak u mga walang utak
    alam nyu bang napaka bait ni chito 
    humble nya tlga as in kung gugustuhin nya kaya nyang pagwapohin ang sarili nya kaso 
    di kc xa mahilig nyan eh 

  2. Hoy mga Kupal kayo! yang si Chito Alam nyo ba na cute yan sa personal kutis lang nyan mga talbog kayo! pero pra skin nman Angel kung pwede lang maging single ka nga muna…dahil pagsasawaan kalang din nman ni Chito like Kaye Abad santos! susme!! eh toh nman si Luis kala mo Tunay na binabalikan si Angel..bakit di pa kasi magladlad.. pero angel infairness nman kay luisa sana bigyan mo ng chance yang magandang Ex mo na si Luisa…kasi kung kay Chito lang eh mas better na balikan si luisa magiging okay ka kay Luisa.. yun lang!

  3. Baka naman mayroong special na traits si Chito kaya nahuhulog loob ng mga girls sa kanya like Kaye Abad and now Angel, kunsabagay aanhin ang guwapo like JLC kung babaero naman. Kunsabagay buhay nila iyan. Ang tinik din naman ni Parokya ano?

  4. Angel pwd single ka muna? Pumatol ka sa panget na oyo, sa manggagamit na luis, and n0w chito na mukhang hito?! Wag naman! Ang papangit ng mga nalilink sau.

  5. ay, ang pangit ng chito na yan!!! hanap ka naman ng ka level mo!

    kaye abad is prettier than angel locsin, pero kahit ano pa man di pa rin bagay si chito sa kahit sino sa dalawa!

  6. si ACE VERGEL and original Bad Boy of Philippine Cinema hindi si Robin copycat lang sya..

    ayan ba ang Parokya ni Edgar? bagay sila.. Pak!

  7. wow! groovy pala ang chito na nalilink k angel. uso naman mga ganyang looks ngaun – jovit, charice, melai, aiai, uge, vice, pokwang, etc.

  8. Malabo na talagang balikan ni Luis si Angel, press release lang ni Luis na gusto pa niyang balikan si Angel. Gentleman lang siya at para hindi rin masira si Angel. Ang true kasi, kinaliwa ni Angel si Luis…nagplay music sila ni Sam milby noong may teleserye sila. Binuking nga ni Diet na si Sam and Angel, ay may sariling mundo during taping. Nang pumutok ang tsismis about break up, biglang nag abroad si Sam.

    • ows di nga? panget pala ugali ni Angel para sayo? panget na pala ugali yung tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy, nagpapamigay ng scholarship na supposed to be ay talent fee nya,…ano na lang kaya si Marian nyan????? LOL!

  9. bulag talaga ano kaya habol ni angel hano…..joke joke……..tsaka alam nyo ayaw na namin kay angel pano kasi minsan nagcelebrate ng birthday sa A.S.A.P. eh host noon si Luis…alam nyo ba na hindi manlang pinansin ni angel si Luis…..hoy babae mabuti ngat ginusto ka ni Luis na talented at englesero,,,ikaw pag pronounce mo lang ng englis words eh hindi maintidihan……BOBO….MAS LALONG BOBO NGAYON AT BULAG KAY CHITO…………….HINDI MUNA ALAM ANG GINAGAWA MO PAG USAPAN LANG KA….KARMA YAN GALING KAY LUIS

Leave a Reply

Your email address will not be published.