ANGEL LOCSIN AT BEA ALONZO, MAGSASAMA SA ISANG PELIKULA!

USAP-USAPAN NGAYON SA bakuran ng ABS-CBN ang planong pagsamahin sina Angel Locsin at Bea Alonzo sa isang pelikula para sa anniversary ng Star Cinema. Ang ikalawang movie version ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos-Concio ang balak gawin ng biggest movie outfit ng bansa.

Marami ang naantig sa unang version ng pelikula na pinagbidahan nina Aiko Melendez at Chin-Chin Gutierrez. Hindi pa malinaw kung sa iisang istorya lamang iikot ang pelikula o kung may kani-kaniyang istorya ang dalawa. Wala pa rin kumpirmasyon kung tuloy na talaga ang pagsasamang ito, pero as early as now ay excited na ang fans ng dalawa.

Sina Angel at Bea ang dalawa sa pinakamalaking bituin ng Dos. Maganda rin sana kung isama si John Lloyd Cruz bilang leading man. Ano sa tingin ninyo? Ituloy na ‘to!

ERICH GONZALES, BAGONG TARGET NG KIMERALDS!

Nakatanggap ng mga mensahe ang ilan sa mga showbiz reporters tungkol sa pagkadismaya ng ilang Kimerald fans sa pagpili kina Erich Gonzales at Enchong Dee sa remake ng Mexicanovelang Maria La Del Barrio na dating pinagbidahan ni Thalia.

Ayon sa mga sumulat, mas bagay daw kina Kim Chiu at Gerald Anderson ang nasabing proyekto. Starlet lang daw si Erich at walang karapatang magbida sa Primetime Bida.

Tinatawanan na lamang ng ilang kasapi sa entertainment press ang biglaang pagsugod ng Kimerald fans sa kani-kanilang inbox. Hindi yata kinaya ng kanilang hukbo ang powers ng fans ni Sarah Geronimo, kaya ang kawawang si Erich ngayon ang kanilang target. Kung ipagpapatuloy nila ang ganyang pag-uugali, mas lalo lang silang magmumukhang katawa-tawa, ‘noh!

ISABELLE DAZA, CERTIFIED KAPUSO NA!

Pumirma ng three-year contract sa GMA-7 si Isabelle Daza, ang anak ng kauna-unahang Pinay Miss Universe na si Ms. Gloria Diaz. Masaya at excited ang dalaga sa nakatakdang pagbabago sa kanyang karera. Hindi na bago ang dalaga sa larangan ng advertising at fashion sa bansa dahil ilang print and TVC na rin ang nilabasan niya. Ilang beses na rin siyang naging endorser ng ilang produkto at kahit sa mga fashion pictorials and shows ay rumarampa rin siya.

Ayon sa aming impormante, sasailalim muna si Isabelle sa isang acting workshop at siya ang napipisil na maging co-host ni Manny Pacquiao sa bagong programa nito na lalabas sa Hunyo.

Welcome to the crazy world of showbiz, Isabelle!

WENDELL RAMOS, PUMIRMA NA NG KONTRATA SA TV5!

Pagkatapos ng ilang taong paninilbihan sa GMA-7, tuluyan nang lumipat sa TV5 si Wendell Ramos. Marami ang nabigla sa desisyon ng aktor na lisanin na ng tuluyan ang Siyete dahil isa ito sa original cast ng Bubble Gang.

Maraming naka-line up na trabaho para kay Wendell sa Singko. Papasok ito sa Babaeng Hampaslupa bilang isang hired killer na tuluyang iibig kay Alice Dixson. Nakatakda rin itong gumawa ng isang sitcom at balita namin ay lalabas din ito sa isa pang drama series bilang leading man later this year.

Halatang tumamlay rin ang karera ni Wendell sa Siyete, kaya hindi natin masisisi ito.


Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “ANGEL LOCSIN AT BEA ALONZO, MAGSASAMA SA ISANG PELIKULA!

  1. excuse me??? meron ba talagang powers ang hukbo ni Sarah Geronimo? kung talagang meron … bakit never syang nanalo over Kim Chiu sa lahat ng Poll Surveys

    kindly check ur facts please …..

    i dont think that kim chiu fans would wish her to take the sexy roles of Thalia w/c is offered to Erich Gonzales.

    Hindi naman bold star ang image ni Kimmy.

    To put the record striaght: Walang teleserye si Kim Chiu na di umarangkada ang ratings sa ere di tulad ng flop IDOL na kailangan putulin dahil di nagre rate hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.