Angel Locsin, aminadong minsan na ring naagawan ng boyfriend

KONICA MINOLTA DIGITAL CAMERA Angel-LocsinSA PRESSCON ng bagong teleserye ni Angel Locsin, tinanong ang actress kung naranasan na ba niyang maagawan katulad ng karakter na ginagampanan niya sa pinagbibidahang serye. Agad naman itong sinagot ng aktres sino ba sa atin ang ‘di naranasan ito?

‘Di na pinangalanan kung kanino sa mga ex-boyfriend naranasan ito, nang tanungin naman kung paano ba siya nakamu-move on ‘pag nasasaktan siya sa isang pakikipagrelasyon, nagbigay pahayag naman ang aktres na hindi niya pinapansin at wala siyang komunikasyon sa mga ito, kung saan gaya nga ni Luis ay dalawang taon silang ‘di nag-usap. Bukod dito ay dinadaan niya ang lahat sa dasal.

Ito ang pagbabalik-serye ni Angel pagkatapos ng tatlong taon niyang pamamahinga sa paggawa ng mga soap opera. Ayon kay Angel, pagkatapos ng Lobo ay naging sunud-sunod naman ang paggawa niya ng mga pelikula, kung saan nakilala ang husay ni Angel bilang isang aktres at nanalo siya ng ilang awards.

Ramdam na ramdam ang intensity at passion sa bawat karakter na gumaganap sa bagong serye, siniguro na hindi lang ito umiikot tungkol sa pangangaliwa ng isang lalaki sa kanyang asawa, kundi bawat karakter ay may kani-kaniyang kuwento at ipinaglalaban.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

11 thoughts on “Angel Locsin, aminadong minsan na ring naagawan ng boyfriend

  1. Alam ko na kung ano ang pinanggagalingan ni Angel !

    Phil Younghusband is a two-timing SOB. Nabuntis si Denise Oca. 6 months ng pregnant! letse kang Phil ka dahil prinotrektahan ka pa ni ANgel sa hindi pag-sasalita.

  2. excuse me ngiwe di ba inagaw mo ang magpinsan na oyo at miko sotto from nadine at sunshine dizon

    fact yan ikaw mangaagaw din

Leave a Reply

Your email address will not be published.