Parazzi Chikka: Angel Locsin’s New Manager

Goodbye, Becky Aguila… Hello, Ethel Ramos!

Pagkatapos magsama bilang manager at talent, tuluyan na ngang umalis sa kuwadra ni Becky Aguila ang itinuturing n’yang biggest talent n’yang si Angel Locsin.

Matagal-tagal na rin may haka-haka na nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa. Nasa Siyete pa lang noon ang dalaga ay open secret na ito sa mundo ng showbiz.

Ang batikang showbiz writer/talent manager na si Ethel Ramos ang bagong nanay sa showbiz ni Angel Locsin. Ang latest tsika, kahit ang young star na si Charee Pineda ay umalis na rin kay Becky Aguila. Nauna namang lumipat ng manager si Joross Gamboa, na panandalian ding nag-pahandle sa nasabing manager.

By Mica Rodriguez

Photos By Ronnie Bernaldo

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Previous articlePhoto Oops: Kaya ‘di umaangat sa ratings: Edu Manzano, kung saan-saan sumusuot?
Next articleClickadora: Give Me SAM More!

No posts to display