Angel blows off trip with Luis for new show

SA TAIWAN GINUGOL ni LJ Reyes ang kanyang Holy Week!

Although noong bata pa raw siya, naaalala naman niya ang panonood ng mga nagpe-penitensya sa bayan nila sa Infanta, Quezon. Pero ngayon, na minsan na nga lang daw ‘nabubuo’ ang kanyang pamilya, kung nasaan man ang karamihan eh, doon nga nagsisipuntahan. Kaya, it’s Taiwan this time.

Zero naman daw ang lovelife niya kaya she can easily do what she wants to do at this point. Wala nga raw siyang time na ma-spend for that dahil sa trabaho siya naka-focus sa ngayon.

Nakatrabaho niya sa Totoy Bato ang aktor na si Robin Padilla. Hindi raw ba nagkaroon ng pagkakataong nahulog nang lubos ang loob niya sa aktor na kilala sa pagiging maasikaso sa kanyang mga leading ladies?

“Dati, kinakabahan ako sa kanya. Pero nu’ng nakatrabaho ko naman siya, okay naman pala at totoong maasikaso siya, hindi lang sa leading lady kundi sa lahat ng taong kasama niya sa trabaho. Siguro, ganoon sila pinalaki dahil kahit ang Kuya Rommel niya, ganoon din sa amin.

Nakita ko how dedicated he is sa trabaho niya. At may times nga na wala na siyang pakialam. Sa RV na niya ito natutulog para lang mabantayan ang mga eksenang kailangan niyang tapusin. Ilang beses lang naman kaming nagkasama sa isang set. Mabait siya and perfectionist!”

So, masasabi bang puwedeng isang gaya ni Robin ang kahulugan ng loob niya?

“Hindi ko pa talaga maisip, Tita. Ang importante naman ‘pag pumasok sa isang relasyon eh, ‘yung trust n’yo sa isa’t isa and ‘yung magkaroon ng understanding sa maraming bagay.”

Unlike…? Tumawa lang ang dalaga.

HINDI NAMAN COOKING show ang bagong palabas na ihahatid ng ABS-CBN na tatampukan nina Sam Milby, Diether Ocampo at Angel Locsin, ang Pinoy version ng kinalokohan ding Koreanovelang Only You.

Pero iwawangki sa paghahanap sa tamang sangkap sa inilulutong pagkain ang romansahang magaganap sa tatlong bida.

Tatlong magkakaibang pananaw sa pagharap sa buhay at pag-ibig ang ihahain ng Only You sa mga manonood. Na ang mahahalagang eksena ay sa Korea kinunan, which will have its pilot on April 27.

Dahil nga sa taping niya sa Korea, na-miss ni Angel ang pag-spend ng time with her special someone na si Luis (Manzano), nang mag-celebrate ito ng kanyang kaarawan.

At siya na ring naging dahilan para ang plano sana ni Luis na maisama muna siya sa New York, USA sa shooting nito ng pelikula nila ni John Lloyd Cruz, kasama ang kanyang butihing ina’ng si Ate Vi (Vilma Santos) eh, mabulilyaso na rin. Na pilit na lang nilang inintindi ni Luis dahil nga trabaho naman ito at commitment na nilang sinagutan.

ALL SYSTEMS GO na ba sa Fearless Productions ni Jomari Yllana para sa pagsasama ng dalawang David (Cook and Archuleta) ng American Idol sa SMX sa Mall of Asia sa May 16?

Very soon, Jom will fly to the USA para tuluyan nang maisara ang deal ng kanyang Fearless with the two idols. At noong Holy Week, ginugol na ni Jom ang special time niya with son Andrei sa isang beach sa Morong, Bataan.

Sabi ni Jom, “So far, everything has been ironed out na sa next production namin. Like what I’ve said before, nakapag-down na kami and ‘yung pagpunta ko there eh, formality’s sake naman. At saka manonood din kasi ako ng laban ni Manny (Pacquiao) kaya I have to see them na rin.”

Jom gained some weight, pero mas lumutang naman ang kanyang patuloy na pagiging Papable!

The Pillar
by Pilar Mateo

Previous articleT2 childstar Mica dela Cruz tops Maricel’s performance
Next articleLove Compatibility: Melissa Ricks and Matt Evans – Kambal sa Puso!

No posts to display