Clickadora: Angel at Katrina, kailan kaya ulit magsasama?

Sinubaybayan ang tambalan nina Angel Locsin at Katrina Halili noon sa GMA-7 dahil sa Darna at Majika. Naku ha, hindi loveteam ang ibig kong sabihin dito, ha? Tambalan bilang magkalaban ang gusto kong ipunto dito, mga ateh. Back to Back din sila sa paseksihan noon sa FHM kung saan nagpapalitan lang sila ng pwesto noon.

Muling nagsama sina Angel Locsin at Katrina Halili sa pamamagitan ng Gabriela. Matatandaang matagal nang supporter ng nasabing organisasyon si Angel at madalas pa nga siyang sumasali sa mga charity projects nito. Nakahanap naman ng kakampi si Katrina sa grupo pagkatapos nitong masangkot sa video scandal.  Present silang dalawa sa Gawad Gabriela Awarding noong Oktubre 28, 2009 sa Amoranto Theater, Quezon City. Sayang lang at nagkasalisi ‘ata ang dalawa. Ang saya sana nilang pagmasdan na magkasama muli sa isang proyekto, noh? Watchathink?!

By Mica Rodriguez

Photos By Luz Candaba

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Clickadora: Angel at Katrina, kailan kaya ulit magsasama?

Leave a Reply

Your email address will not be published.