Angat dam,susuriin ng international expert

MATAPOS LUMABAS ANG report na nanganganib ang Angat Dam sakaling tumama ang malakas na lindol, agad na lalagda ng kontrata ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), National Irrigation Administration (NIA) at National Power Corporation (Napocor) kasama ang isang international expert upang suriin ang kalagayan ng dam.

Nakumpleto na nila ang mga gagamitin para sa pagsusuri sa dam kaya’t sa Oktubre 19 na ang pagsasakatuparan ng paglagda ng kontrata kasama ang isang international expert mula sa New Zealand, ayon kay MWSS administrator Gerry Esquivel.

Maaari umanong dagdagan ang istruktura na magpapatibay sa nasabing dam, ngunit depende ito sa rekomendasyon ng international expert.

Bagama’t sa ngayon, sinabi ng MWSS na ligtas ang kasalukuyang istruktura ng Angat, mapanganib lamang ito kung tamaan ng malaking sakuna tulad ng lindol, kung saan libu-libong mamamayan ang maaapektuhan sa Bulacan at karatig lalawigan.

Ayon sa Phivolcs, delikado sa malakas na lindol ang dam dahil 200 meters lang ang layo ng main dike mula sa West Valley fault line.

Samantala, duda si Senate President Juan Ponce Enrile na magtatagumpay ang balak ng local government ng Bulacan na sampahan ng kaso ang pamunuan ng Angat Dam bunsod ng naranasang malawakang pagbaha sa kanilang lugar.

Ayon sa pangulo ng Senado, ginawa lang ng mga tagapamahala ng dam ang tungkulin nitong magpakawala ng tubig dahil mas lalong mapa-nganib kung iipunin nito ang baha sa kabila ng pagtama ng malakas na bagyo. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.