ANG UTAK-PULBURA NA MGA GOBERNADOR AT ANG JUETENG NI TONY S.

MARIING ITINANGGI NINA Davao del Sur Go-vernor Douglas Cagas at ex-Governors ng Palawan at Marinduque Joel Reyes at Bong Carreon ang pagkakadawit sa kanilang mga pangalan bilang mga utak sa pagpapapatay sa mga mamamahayag.

Si Cagas parekoy ang itinuturo ng sumukong “gunman” na siyang nagbayad umano sa kanya upang patayin si journalist Nestor Bedolido.

Ayon kay Voltaire Mirafuentes, hindi naman niya kilala si Bedolido at kaya lamang niya ito pinatay, dahil nga binayaran siya ni Gov. Cagas!

Sa pagpatay naman, parekoy, sa batikang announcer ng Palawan na si Dr. Jerry Ortega, maliban sa nahuli mismong “gunman”, isa-isa nang sumuko at nasa kamay na ngayon ng NBI ang mga taong nagplano sa nasabing pagpatay.

Ayon kay Rodolfo Edrad Jr., mismong si ex-Palawan Gov. Joel Reyes ang nagbigay sa kanya ng pera upang ipapatay si Ortega dahil masakit na umano ang kanyang ulo sa walang humpay na pambabatikos sa kanya kaugnay sa “mining operation” sa Palawan at sa nawawalang P1.2-B na galing sa Malampaya Gas sa nasabing lalawigan.

Alam talaga nina Mirafuentes at Edrad na ang kanilang pag-amin sa nasabing pagpatay kina Bedolido at Ortega ay mahahatulan sila ng habambuhay na pagkabilanggo.

Pero lakas-loob pa rin nilang inamin ang nasabing krimen alang-alang umano sa katotohanan.

At upang malaman na rin ng lahat na ang utak ng nasabing pamamaslang ay ang kanilang itinuturong mga tao na sina Gov. Douglas Cagas at Ex Govs. Joel Reyes at Bong Carreon.

KAHIT SAANG SULOK ng Quezon City, alam na, parekoy, na ‘yang “Jueteng” na rumaratsada ay financed ni Tony Bulok Santos.

Kalat na rin ang tsismis na sina Mayor Bistek at Gen. Benjardi Mantele ang mga unang inareglo ni Santos bago nito pinakalat sa Kyusi ang nasabing iligal na sugal.

Kaya naman pala walang takot kung rumatsada ang operasyon ng lintek na Jueteng ni Santos.

Pero sa kabila nito, parang walang anuman kina Bistek at Mantele itong dagdag na iligal sa kanilang lugar.

Talagang pakapalan na lang ngayon sa Kyusi ang labanan!!!

INAANYAYAHAN KO PO kayong makinig sa aking programa sa radio na ALARMA KINSE TRENTA, tuwing 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes, sa DZME 1530 kHz (dulong kanan ng talapihitan).

Sa programang ito ninyo maririnig ang tunay na walang takot at walang kinikilingang komentaryo sa mga napapanahong isyu.

Maaari rin po ninyo akong marinig at mapanood sa internet, 6-7 ng umaga sa www.dzme1530.com

Anumang sumbong, i-text lang sa 09152121303 o kaya’y mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.