Ang tunay na ligaya nina Gelli at Ariel

Minsan nang naging kontrobersiyal ang relasyong Gelli de Belen at Ariel Rivera. Pero hindi iyon nakaapekto sa pagpapalaki sa dalawang anghel sa buhay nila.

Si Anna Gianelli de Belen, nakababatang kapatid ni Janice de Belen, ay ipinanganak noong Mayo 25, 1973. Isang aktres na nakilala hindi lang sa husay sa pagganap sa drama kundi maging sa mga comedy films at gag shows tulad ng Tropang Trumpo at Ober da Bakod.

Nabighani sa kanya ang binansagang “Kilabot ng Kolehiyala” na si Jose Ariel Jimenez Rivera. Ipinanganak si Ariel Rivera noong noong Septyembre 1, 1966. Nauna siyang nakilala bilang magaling na singer na sumungkit ng gold at platinum record para sa iba’t ibang album niya. Taong 1989 nang kunin siya ng Musiko Entertainment. Patok na patok ang una niyang single na “Sana Kahit Minsan” hanggang pumasok na rin siya sa akting at naging kapareha pa ni Ms, Sharon Cuneta sa pelikulang Ikaw.

Sa ngayon, sina Joaquin Andres at Julio Alesandro ang dalawang anghel na nagpapasaya sa kanila. Akalain n’yong hands-on ang mag-asawa sa pag-aalaga sa mga bata. Kasi ba naman, bawal ang yaya. Naging usapan pa nga raw nila na kung ang isa, eh, nagtatrabaho, ang isa ang dapat naiiwan sa bahay.

Pero dahil hindi mapigilan ang tawag ng industriyang kinalakihan nila, muling sumasabak sa mga serye sa telebisyon ang mag-asawa. Itong si Gelli, abala sa Sis, at itong si Ariel naman, balitang kasama sa Rosalinda. Bagama’t napipilitan silang iwan sa ina ni Gelli ang mga bata, hindi pa rin daw naman nalilimutan ng dalawa na palaging maglaan ng quality time para sa dalawang baby nila.

Ni Mayin de los Santos
Photos by Luz Candaba, Allan Sancon and Parazzi Wires

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.