Ang Tunay na Hayden Kho Jr.

MANYAK. BUWANG. DEMONYO. Bago pa man din siya halos saksakin sa mura at galit ng sambayanang Pilipino, kinilala bilang isang celebrity doctor si Hayden Kho Jr. Marami na sa mga socialites ang kilala siya bilang ang batang boyfriend ni Vicki Belo, pero mas kinilala siya at hinangaan ng publiko nang i-representa niya ang Belo Medical Group sa unang sabak ng Celebrity Duets. Sa programa niya napatunayan na may talento din siya sa pagkanta. Tuluy-tuloy rin ang offers sa kanya ng Kapuso network para sa kanilang mga programa.

Nagulantang ang sambayanang Pilipino nang lumabas ang kanyang mga sex video kasama ang iba’t ibang babae na ang pinaka-pinag-usapan ay ang video ng pagtatalik nila ni Katrina Halili.

Sino nga ba si Hayden Kho Jr. bago lumabas ang mga eskandalong ito?

Si Hayden dela Santa Kho Jr. ay ipinanganak noong ika-20 ng Mayo, 1980. Siya ang ika-apat sa limang magkakapatid. Ang kanyang mga magulang ay ang magaling na doctor na si Hayden Kho Sr. at ang businesswoman na si Irene Kho.

Dahil sa angking katangkaran (6’3) at kaguwapuhan, kinuha bilang ramp and TV commercial model si Hayden habang ito ay nag-aaral sa kolehiyo. Paborito rin siyang modelo ni Frederick Peralta kung kaya’t napapasali siya sa tuwing merong fashion show sa labas ng bansa ang nabanggit na fashion designer. Nakatapos naman siya ng kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Sto. Tomas Faculty of Medicine and Surgery. Ipinasa naman niya ang kanyang licensure exam noong Pebrero 2007.

Kinilala ng publiko si Hayden Kho nang mapasali ito sa unang season ng Celebrity Duets. Siya ang panlaban ng Belo Medical Group sa patimpalak na ito at hinirang bilang first runner-up. Ilan sa mga mang-aawit na nakasama niya ay sina Agot Isidro, Jennylyn Mercado, Nyoy Volante, Dingdong Dantes at si Katrina Halili, ang kanyang ex-girlfriend.

Maraming naging tagahanga ang doctor simula nang lumabas ito sa programa. Nagkaroon siya ng exposure sa Marimar kung saan ginampanan niya ang papel ng doctor na ex ni Carmina Villaroel at kalauna’y naging tulay upang magkabalikan sina Sergio at Marimar. Tuluy-tuloy rin ang guestings nito sa iba’t ibang programa at unti-unti na siyang gumagawa ng sariling pangalan.

Mula sa pagiging physician ng isa sa mga clinics ng Belo, na-promote bilang Marketing Director si Hayden noong nakaraang taon. Siya ang namuno sa mga marketing strategies ng kumpanya.

Ang masasabi nating pinakamalaking break ng doctor ay ang pagganap niya bilang si Doc Henry sa Ako si Kim Sam Soon. Napabalita rin na siya dapat ang gaganap bilang isa sa mga lead roles sa All About Eve, kung hindi lang sana ito nagdesisyong lisanin ang showbiz dahil na rin sa madramang paghihiwalay nila ng kanyang “amore” na si Vicki Belo nga.

By: Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.