Parazzi Chikka: Ang ‘tunay’ na dahilan ng hiwalayang Shaina at John?!

Nakatanggap ang Pinoy Parazzi ng chikka sa aming e-mail. Ayon sa aming e-mail sender, iisa umano ang ‘tunay na dahilan’ ng hiwalayang Shaina Magdayao at John Prats ngayon, at ng hiwalayang Anne Curtis at Sam Milby noon.

Diumano, napabalita dati na nakunan ng isang hidden cam sa isang ‘motel’ ang magkasunod na pagdating ni Sam at John. ‘Pinatahimik’ daw ng pera ang nasabing isyu kung kaya’t hindi ito lumaki noon. At ilang linggo nga lang daw ang nakalipas, nabalitang hiwalay na sina Sam at Anne, na never din naman umamin noon na naging sila.

Ito nga rin daw ang ‘tunay’ na dahilan ng break-up ngayon nina Shaina at John. Ipinipilit pa ng aming e-mail sender na noon pa raw may isyu si John sa kanyang seksuwalidad, at ngayon daw ay kapansin-pansin na ito sa mga taong malalapit umano kay John at sa mga nakakatrabaho nito.

Ang nagbuking pa nga raw nito ay ang kaibigan mismo ni John na nagtatrabaho sa Pinoy Big Brother house. Ang kaibigan daw ni John na ito ang mismong nasa likod din umano ng boses ng pansamantalang pumalit kay Kuya nang maospital ito – si Big Utol nga raw!

May ibinigay pang hint o clue ang aming e-mail sender sa hitsura ni Big Utol. Maputi raw ito at kalbo, at ‘pag nagsalita, mapapansin agad na ito si Big Utol. Ang chikka pa ng e-mail sender, ‘certified’ bading daw itong si Big Utol, pero hindi naman daw ‘yung pa-girl na bading, kundi lalaking-lalaki raw ang dating nito.

Hinamon pa tayo nitong e-mail sender na subukan daw magmatiyag sa paligid ng PBB house at baka raw ma-ispatan natin si Big Utol!

Nakakaloka ang chikkang ito, huh! Ga’no naman kaya katotoo ito?!

Well, nagkalkal kami sa mahiwagang baul ng aming mga litrato, at nakita nga namin ang mga litratong ito nito lang nakalipas na birtday party ng anak ni Camille Prats. Tingin naman namin, magka-berks lang sina Sam at John. ‘Di ba, tol?!

PARAZZI WIRES PHOTOS

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

5 thoughts on “Parazzi Chikka: Ang ‘tunay’ na dahilan ng hiwalayang Shaina at John?!

  1. hahaha!! ito ang masasabing isang malaking kalokohan ng mga writers…

    mga desperado gumawa ng kwento para magka-sweldo bilang writer at may pangtustos sa araw araw na pangangailangan hahahaha!!!!

  2. magkasama sina sam at john kanina ayon sa twitter ni sam. uy, golf daw pero iba tinitira haha bading si sam at john! wawa naman sina shaina at anne!

  3. porke ba magkasama lagi dalawang lalake bakla na?
    aysus! Basta may maisulat lang gagawan agad ng istorya.
    Tsk..Tsk.
    ang pathetic naman ng sumulat nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.