ANG TUNAY NA BIDA NG ‘THE SIGNIFICANT OTHER’: Erich Gonzales o Lovi Poe?

Erich Gonzales and Lovi Poe

SINO BA TALAGA ang star or pinaka-bida sa pelikulang The Significant Other?

Si Lovi Poe ba or si Erich Gonzales?

Sa grand launch ng pelikula directed by Joel Lamangan for CineKo Productions recently, isa-isa ipinakilala ang mga bida na bumababa sila sa hagdanan na feeling mo Hollywood-ish ang style,

Mula kay Dina Bonnevie at Snooky Serna, both playing mother roles kina Erich at Lovi at pagkatapos ay  ipakilala si Tom Rodriguez na sinundan naman ni Lovi na ang pinaka-last na ipinakilala sa press ay itong si Erich na tuloy ay naging topic ng tsikahan ng mga reporters noong hapon na ‘yun na parang secondary lead lang si Lovi at ang pinaka-bida sa pelikula ay itong si Erich.

“Usually, kung sino ang last na ini-introduce ay siya ang pinaka-star,” komento ng isang tabloid columnist sa mesa na kinabilangan namin.

Si Lovi, hindi naman basta-basta at star yan. Nagbibida ang sexy actress sa mga pelikula niya at maging sa mga television teleserye niya sa GMA-Kapuso Network.

“Star siya. Mas madami pa nga siyang lead roles sa movies at sa mga teleserye compared kay Erich na ngayon ko pa lang mapapanood na magpapa-sexy sa pelilkula. Si Lovi, forte niya ang mga sexy roles,” kuwento ng isang reporter sa harapan ng kinauupuan ko.

Between Lovi and Erich, sino kaya talaga ang tunay na bida ng pelikula? Si Lovi, may super pumping scene with Tom na pinaguusapan sa pelikula at si Erich naman, bigay na bigay sa love scene nila ng actor na for the first lang niya ginawa.      

Sa Miyerkules, February 21, pagkapanood ko ng pelikula, isusulat ko kung sino talaga ang tunay na bida or lead actress sa The Significant Other.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

2 thoughts on “ANG TUNAY NA BIDA NG ‘THE SIGNIFICANT OTHER’: Erich Gonzales o Lovi Poe?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.