ANG TSUNAMI SA JAPAN AT ANG DROGA SA NAVOTAS

KAHINDIK-HINDIK, PAREKOY, ANG sinapit ng bansang Japan sa lakas na 8.9 magnitude na lindol na tumama sa kanila na sinundan pa ng Tsunami.

Kahit napakayaman ng nasabing bansa ay natitiyak natin na hindi magiging madali para sa kanila ang pagbangon mula sa nasabing sakuna.

Kaya nga ilang mayayamang bansa rin gaya ng Amerika ang nag-alok sa kanila ng tulong.

Sa ganitong paraan, parekoy, natin naipapakita ang kaibahan natin sa mga hayop.

Dahil ang tao, anuman ang sabihin ay naririyan talaga ang habag sa mga nabibiktima ng ganitong klaseng sakuna.

At ang kahandaang dumamay… upang maibsan man lamang ang sakit na nararamdaman ng mga biktima.

Katunayan, parekoy, kahit nga ang ating pamahalaan ay nag-alok din ng tulong.

Na bagama’t hindi natin alam kung sa paanong paraan, ang mahalaga nakahanda tayong makiramay sa kanila.

Masakit na nga, parekoy, ang yutak ko sa kaiisip kung ano ang maaaring ialok na tulong ng ating bansa.

Dahil mas makabago ang kanilang makinarya, mayaman sila, sa manpower naman ay meron din sila, katunayan may ayuda pa nga ng mga robot!

Tsk, tsk, tsk, wala na talaga akong maisip na maio-offer natin sa mga Hapon sa gaya nitong panahon na sila ay nasa “stage of discomfort”.

Ay oo nga pala, parekoy, baka p’wede na ang “comfort women” ehek!!!

Sorry po, nagbibiro lang! Hek, hek, hek!!!

TINATAWAGAN NATIN ANG pansin ng mga taga Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na sana lang ay medyo silipin naman nila ang “negosyo” nitong isang barangay chairman sa Navotas City.

Lantaran kung magbenta ng droga ang impaktong ito, parekoy, katuwang pa ngayon ang bagong-laya na panganay na anak na “nahoyo” rin dahil sa droga.

Mataba na parekoy itong demonyong Chairman na ito na tinaguriang “untouchable” dahil kumpare niya si Mayor Tiangco.

Ayon sa ating source, galit na rin si Meyor kaya lang, pulitiko siyempre kaya hindi raw maaaring lantaran nitong kalabanin si Chairman.

Susmaryosep Meyor, kung ako niyan eh, ibibitin ko agad nang patiwarik ang hinayupak na ‘yan.

Walang pulitika-pulitika, ang mahalaga masugpo ang droga at ang demonyong gawain ng Chairman na ‘yan!!!

INAANYAYAHAN KO PO kayong makinig sa aking programa sa radio na ALARMA KINSE TRENTA, tuwing 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes, sa DZME 1530 kHz (dulong kanan ng talapihitan).

Sa programang ito ninyo maririnig ang tunay na walang takot at walang kinikilingang komentaryo sa mga napapanahong isyu.

Maaari rin po ninyo akong marinig at mapanood sa internet, 6-7 ng umaga sa www.dzme1530.com

Anumang sumbong, i-text lang sa 09152121303 o kaya’y mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.