Ang Trio Tagapayo

KUNG NAKA ONE-ON-ONE natin si Amy Perez, andito naman ang Trio Tagapayo ng talakseryeng Face to Face. Unahin natin ang legal expert na si Atty. Ben Acosta na mabait na husband ng ating kaparazzi na si Atty. Persida Acosta.

How do you feel na ngayon ay celebrity na kayo’t napapanood sa buong bansa? “Ah I refuse to be called a celebrity. I just want to be called as a counsel.”

Ah, mukhang napasubo tayo at lahat legal matters ang sagot, hehehe!  So, gaano katagal na kayo rito sa Face to Face? “Ah, nag-start kami last year, 2010. Alternate kami ni chief, ni Atty. Percida Acosta sa pagpapayo rito sa Face to Face.”  Mahusay na abogado si Atty. Persida. Masyadong tough siya, eh. Kaya ang tanong ko kay Atty. Ben, kung sino ang mataas ang posisyon sa kanilang mag-asawa. “Ah siya ang nasa public, siya ang chief ng PAO. Ako naman ay nasa private practice. Ah in the government, she is in the higher position because she holds the highest position in a particular agency which is the Public Attorney’s Office. Ako naman ay nasa private practice ako. So practitioner ako.”

Sa huli, ang tanong ko, Attorney, ‘pag nasa bahay kayo, sino ho ba ang kumander sa inyo ni Atty. Persida?’ “Hahahahah! Ah mahirap sagutin ‘yun. Hindi subject ng batas ‘yun eh.”

Tiyak, mas bida ang kumander na si misis.

Si Dra. Camille Caces–Garcia, isang child psychologist at CEO ng Clinic of the Holy Spirit. Paano ba siya napabilang sa Trio Tagapayo? “Actually, hindi ho ako ang first choice. Ang dati hong nangyari, iba nang iba every week until eventually ni-recall ako tapos sabi ako na lang daw. Unang-una sa experience ko, tapos du’n sa trabaho ko, iyong pagiging clinical psychologist ko, kasi meron din kaming ospital. Meron kaming mga around 65 patients, in-patient na mga chronic, ng mga for rehab, iyon pong may mga dipe-rensiya sa pag-iisip.”

Puwede ko kayang ipadala dun itong staff ko na si Kuliglig? “Ah, anything to do with mental health.”

As a psychologist, hindi ba siya nahihirapan kapag may nakikita siyang ‘impromptu’ na bakbakan? “Parang sanay na ganu’n. Kaya lang ang kaibahan, dito naninibago lang ako, kasi dito ang bibilis, parang ang nangyayari eh parang automatic iyong pagbubugso ng damdamin, nai-express nila kaagad.”

Totoo nga, minsan limot ng mga guests na kinukunan sila ng camera.  Mabuti na lang may mga maskulados na sina B1 & B2. “Ah oo, kasi expected na magkakaroon ng gulo talaga.”

Last but not the least, pasadahan natin si Father Sonny Merida ng St. Peter Parish.  Ah, kumusta po father? “Ah, ok naman. Actually katulad ng sinabi nila, hindi ako ‘yung first choice. Ang nandito po talaga eh, ‘yung Parish Priest namin na si Fr. Jerry Tapiador.”

Ang kagandahan nakikilala lalo si Father dahil sa show, maliban, madestino siya muli. “Ah ‘di naman po sa pagyayabang , sasabihin nila ito ‘yung pari sa Face to Face kaya marami-rami ‘yung nagsisimba.”

Ah malaking bagay rin. Parang tama bang sabihin nating nako-commercial din? “Ah hindi, hindi. Ah parang na-advertise!”

Ah Father, paano n’yo naisipang maging pari? “Ah, may tawag ako.” Hindi naman kayo nasawi sa pag-ibig? “Ah, wala… wala. ‘Eto talaga ang gusto ko. Bata pa ako gusto ko nang magmisa-misa, ganu’n . Ayun natuluy-tuloy na. Ah na-develop lang yun.”

Kulitin na natin. Father, ‘di ba iyong pari pagkatapos ng homily malungkot? “Ah, kasi ‘pag nakakasama mo ang mga tao du’n parang pamilya mo na sila.”

Ah Father, kung napapadaan ka sa parteng Malate, halimbawa me ilaw-ilaw para bang sasabihin mo, ‘hindi ako sasama dyan!’ “Ahaha! Parang ganu’n! Oh, tukso layuan mo ako!”

Sabagay, kailangang tumawa tayo sa gitna ng nakakapagod na gawain natin sa araw-araw. Lalo na ang mga kaparian, na ang pamilya ay ang kanilang sinum-paang misyon.

For comments and suggestions, call tel. no. 3829838, email: orobiakpp@yahoo.com, maestrorobiaparazzi@yahoo.com or visit www.pinoyparazzi.com

 

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

loading...

16 thoughts on “Ang Trio Tagapayo

  1. ask ko lng po kung may contact no.c dra camille garcia balak ko po sana humingi ng advice and at the same time magpacounciling thank you po

  2. good day po! pwede po ba mag tanong? kung ang isang  tao na  catholiko po  ay kasal sa simbahan ng catholiko at  nag pa convert po sya sa  muslim,masasampahan po basya ng kaso kung sya ay mag aasawa ulit  bilang isang muslim,masasampahan po basya ng kaso ng una nyang asawa na catholika kahit na muslim na sya, sana po  masagot nyo tanong ko thankz…

  3. good day po! I just want to ask if you could give me the email add of atty. Ben Acosta. Its somewhat very important matters to discuss on. And it would be my pleasure if you can grant my heartfelt request. ,MAY GOD BLESS YOU SO MUCH!

  4. Gud pm po. sobra po akong natutuwa everytime na manonood ako ng face to face aside po sa mga hosts ay ang trio tagapayo.  nais ko pong makahingi ng schedule nila (Dra, Camille Garcia, Atty. Ben Acosta at ni Father Sonny, gusto po naming mag asawa na mag pa consult sa kanila, just to make our relationships last longer and stronger. ang galing po talaga nila magbigay ng advice. Maraming salamat po and more power and blessings to Face to face and to all the staff of face to face.

  5. Pwd ko b malaman ung email ad ni Atty. Ben meron lng po sna akong icconsult sknya kc nsa ibang bayan po kc ako nid ko lng po ng advise nya…tnx

  6. pwede ko pa bang makuha ang contact number or email address ni Dra. Camille Garcia At Atty. Ben Acosta. Maraming salamat po..

  7. atty ben ,ako po ay isang OFW nakabase dito sa holy land israel meron po akong problema ,may nagtxt nanalo dw ang roaming # ko ngyn po kong hindi ko dw tatapos ang transaction makakasohan dw ako ng anti money laundering law ,kz po bibigay ko na po lahat ung ,pocessing fees tax fees , penalty ,S.O.P , lht un naibigay pagkatapos humingi nnmn ng panibagong payment pra mairelease n ung pera pinalanonan plus sari sari appliance showcase at jeeney,atty may nalabag ba ako sa batas ? at makakasuhan ba ako ng anti money laundering sa pagtapos ang transaction sa kanila ,hnngang ngyn pokinukulit ako slmt po sana matulungan u ako .at lgi ko po kayong pinapanuod sa face to face ,

  8. puwede ko po bang makausap si father sonny merida hihingi po ako nang payo sobrang depressed na po ako kailagan ko nang holy spirit advise tulungan po niya ako nawawala na ako sa ating panginoon hindi ko na po alam ang aking gagawin kung minsan pumapasok na ang devil sa isipan ko at napapamura at nakakpagsalaita na ako nang hindi kanais nais kay lord,tulungan po sana ako ni father sonny.Help me.Aubrey

  9. Ask ko lang po , kung pwede ko pong malaman ung address ng clinic ni Dra. Camille Garcia ,kung saan po matatagpuan at kung ano po tel. no. ng clinic?

  10. Gusto ko po sanang makuha ang contact no. ni Dra. Camille Garcia kc meron po akong problema sa anak kong babae. Salamat po kung matulungan niyo ako.

Leave a Reply

Your email address will not be published.