Ang sumbong ng isang foreigner!

TUNGHAYAN NATIN ANG isang e-mail na ipinadala ng isang foreigner sa ITIMBRE MO KAY TULFO.

Dear Mr. Tulfo,

A very good day to you.

I am a foreigner, residing in Solano, Nueva Vizcaya with my family. I am a retired Naval Staff who have now returned with my family to reside in the Philippines for good.

I just acquired a house and lot for about 11 months now. I was facing some very unpleasant matter regarding about stagnant water that has resulted like a swimming pool from an empty lot opposite my house.

I have brought this matter to the Mayor’s attention and the Municipality Engineering Office. The Mayor, the Honorable Mayor Philip Dacayo, did instruct his Engineers to look into the matter that was sometime in the month of July 2010.

They assured me that they will resolve this issue but sad to say that up to now, nothing was done at all. What worries me is that the stagnant pool of water results in gathering mosquito lava and other uncalled for problems and very unhygienic surroundings. And they also bring sickness like Dengue fever.

From watching your daily news program, I kindly hope that you could probably send your news team to visit and attend to my complaint and advice me accordingly. I am losing my hope and confidence on the way the Engineers in the Municipal Office handles the situation.

Please, with your kind consideration, assist me in this matter. It is really very embarrassing to see how the Government Office in the provinces handles this situation. Do you think, is it right if I bring this up to the DILG? Looking forward to hear from you.

Maraming Salamat. God bless.

NARITO ANG ISA pang reklamo.

Sir Raffy,

Magandang araw! Gusto ko po sanang ireklamo ang Xevera na pagmamay-ari ng Globe Asiatique. Buwan-buwan ay nagbabayad po kami ng association fee na P300 para sa guards, basura at maintenance sa aming lugar.

Pero mula noong magkaproblema po ang Xevera, nagbawas na ng mga guwardiya rito sa amin at sa ngayon ay ayaw na nilang kunin ang aming mga basura kundi kami magbabayad ng additional na P75. Mabigat na para sa amin ito at sa tingin namin sapat naman ang ibinabayad naming P300 para sa guards at basura. Samantalang sa kalakal pa lang, ayon sa kumukuha ng basura namin, ay kumikita na ng malaki ang Xevera.

Nagreklamo na rin po ang aming mga kasamahan sa barangay ngunit ganoon din ang sagot dahil hindi raw po sila makapakialam sapagkat wala naman silang makausap dahil sa gate pa lang ay hinaharang na sila at hindi pinapapasok.

Hindi naman lahat ng nakatira rito ay mayayaman, kaya mabigat po para sa amin ang dagdag na bayad na ipinapataw nila. Marami pong hindi nakababayad na nakatambak na lang ang basura sa tapat ng kanilang bahay.

Sana po ay matulungan ninyo kami sa aming problema. Maraming salamat po.

Gumagalang,

Ana

Ang inyong SHOOTING RANGE ay mapapakinggan 10:00-11:30 am sa programang ISYU sa 92.3 NewsFM, Radyo5. At mapapanood din tuwing 11:30-12:00 sa programang BALITAANG TAPAT ng TV5. Pagsapit ng 2:00-4:00 pm, mapapakinggan din sa programang WANTED SA RADYO sa 558 kHz DZXL, Lunes hanggang Biyernes.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.