Ang sipag ni Paolo Contis: Lian Paz, buntis na naman!

TOTOO NGA KAYANG minsan ay wala raw sa sarili si Cesca Litton sa talk show na kinabibilangan nito na E-Live? Balita namin, kapag turn na raw nito na chumika ay parang ‘di raw alam ng TV host ang kanyang gagawin at ‘di raw alive na alive ang dating nito, kumpara sa energy level ng mga co-host nitong sina Luis Manzano, Nikki Gil at Ogie Diaz.

Totoo rin kaya na minsan daw ay ipinakita pa ng staff ng E-Live sa ex-girlfriend ni Jericho Rosales ang text message mismo ng isang big boss ng ABS-CBN na tila hindi satisfied diumano sa hosting ng dalaga?

Sayang naman ang break na ibinigay ng ABS-CBN kay Cesca kung totoo nga talaga ang mga balitang ‘to. Malaki kaya ang kinalaman ng break-up nila ni Echo kung bakit may mga ganitong balita na lumalabas?

BAGO PA PUMUTOK ang balita na may mga death threats diumano kay Bea Alonzo, maging kay Gerald Anderson at pati na rin sa nanay nito, na galing daw sa ibang grupo ng fans ng young actor at rumored ex-girlfriend at ka-loveteam nito na si Kim Chiu na Kimerald, may nag-chika sa amin na may nakakita raw sa guwapong binata sa condominium ng una sa Eastwood sa Libis, Quezon City. So how true kaya ititch?

Sa nagdaang Star Magic ball naman daw ay agad to the rescue ang mga barkada ni Kim to comfort her, with matching hugs, matapos daw umalis ni Gerald sa party kasabay si Bea. Kahit daw sa huling show na pinagsamahan ng dalawa sa Amerika ay may nakakita na hindi raw sabay kumain ang mga ito sa isang restaurant.

Nawa’y hindi makaapekto sa pelikula nina Kim at Gerald na ‘Till My Heartaches End ang unos na pinagdaanan o pinagdadaanan nila. Kunsabagay, mukhang maganda naman ang movie nila para hindi kumita which is written and directed by Jose Javier Reyes, under Star Cinema.

MAG-O-OBER DA BAKOD na pala si Will Devaughn from ABS-CBN to GMA-7. Makakasama raw ito sa telenovelang Dwarfina nina Heart Evangelista at Dennis Trillo kung saan magiging leading man din ito ng dalaga. Today raw ang story conference nila.

APAT NA BUWANG buntis pala ulit ngayon ang partner ni Paolo Contis na si Lian Paz, na dating member ng EB Babes ng Eat… Bulaga! Wish nina Pao at Liz na sana ay boy naman ang kanilang susunod na angel after ng kanilang panganay na si Xonia na seven months old na at napakaganda. Congratulations again, Pao and Liz!

Ugaliin n’yo pong makinig sa Wow! Ang Show biz! over at DWIZ 882 Khz on AM band, from Monday to Friday, with Ogie Diaz, Ms. F a.k.a Fernan de Guzman, Eric Borromeo, Rommel Placente, and yours truly. Maraming Salamat Po!

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

31 thoughts on “Ang sipag ni Paolo Contis: Lian Paz, buntis na naman!

  1. Ako favorite ko si Alessandra. Kahit prangka siya never ko pa siyang nakitang nambastos o ano pa man. Alam niya kung saan siya lalagay. E bakit kinukuha siyang mag-judge sa Talentado at Showtime kung bastos siya? Witty and smart siya.

    • Me too. I like the opinionated Alex De Rossi.Sana siya ang ipalit kay Cesca na may pagka-glassy ang mga mata.

  2. May pinagdadaanan siguro si Cheska ngayon. I like her. Classy. Si Alessandra De Rossi. Palengkera. Her personality is similar to Keanna Reeves and Rosanna Roces. Sakit nang ulo Lang ang ibibigay niya if given the weapon to say her opinion in a talk show. Wala siyang diplomasya. Baka sumakit rin ang ulo nang pumalit kay Laguardia na si Grace Poe.

      • Ako rin I like Cesca, very classy sya and hindi bastos at makita mo na galing sa magandang breeding. Totoo yong sinabi mo, baka ma censor sa MTRCB pero si Alex down to earth lang sya kaya gusto ko sya. Pero baka hindi naman sya totally kagaya ni Rosanna Roces and Keanna Reaves kasi I’ve seen the other interviews ni Alex, pranka nga sya pero hindi naman kabastusan ang labas. Ewan ko, baka hindi lang ako totally well informed about her. I just think she is so bubbly sa mga interview nya and funny ang mga answers nya.

      • Alex has her moments. Magaling rin siya. Pero hindi mo alam kung ano ang biglang lalabas sa bunganga niya. Like you said, she has an open mind. Pero, too vocal to a point na she can get into trouble.

      • Oo totoo yong mga sinabi mo. Mayroon bang mga movies si Alex ngayon? I like Alex better than her sister Assunta, pero may pagka similar sila kasi si Assunta rin pranka magsalita pero hindi masyadong pranka kagaya ni Alex.

  3. Echo and Cesca’s case is similar to Aljur and Rich Asuncion. They are not allowed to display in public to protect Kris B and Aljur’s loveteam. SI cesca hindi kaya yon since she’s not an actress like Rich.

    Since AA and KB’s tandem ay hiwalay muna, both AA and RA are seen in public now, although they are just telling friendly date. What else is new?

  4. Sana si alessandra ilagay nila sa isang talk show. Parang gusto ko siyang makita wi th ogie diaz. Riot yon siguro yon.

    • ako rin yan din ang feeling ko kasi si Alex ang funny nya at walang kaplastikan, pranka sa kanyang mga sagot, lalo na siguro kong idagdag pa rin yong nakaaway ni Willie na mahaba ang buhok, nakalimotan ko ang pangalan, yong gustong patalsikin ni Willi? Kasi ang bibig nya parang machine gun din, talagang riot to the max.

  5. jusko grabe naman mag salita ang iba dito parang kilala mo sila at kasama habang nag do do sila, bakit ganyan ba ginawagawa mo kung ayaw mo mabuntis? may mga oral contaceptives teh

  6. walang prblma yan kong sunod sunod man manganak c lian paz may asawa ang tao anong nakakapag taka don kaya nman nlang buhayin magiging anak nl. kong yong babaeng walang asawa nabubuntis c lian p kaya may asawa yon tao. okey nga ang ganon sunod sunod kong ilan gusto nl para isang hirap lang pagpapalaki nlang ang gagawin.

  7. Kawawa naman si Cesca Litton, parang mabait sya at class sya na tao, bakit ba sila nag break ni Jerecho? Kung kunin nila si Cesca sa E-Live, sa opinion ko lang ito ha, mas bagay si Alessandra de Rossi kasi bubbly ang personality ni Alex at prankang pranka magsalita, walang katakutan. Kailangan talaga sa mga showbiz oriented show na ganuun ka bubbly ang personality, tingnan mo ang Juicy, sila lahat very bubbly, so nag click sila lahat at may chemistry talaga ang mga hosts sa Juicy. Unlike the The Buzz na parang walang chemistry ang mga hosts. Siguro ilagay na lang si Cesca sa pagka Anchor news, she will do good in that area. Opinion ko lang ho, peace.

    • I guess, utos din naman siguro ng Abs Cbn na huwag muna silang magpakita in public ni Echo dahil sa team up ni Jericho at Andi Eigenmann. Kunwari break na sila at siguro di masyado ma take ni Cesca ang ganoong set up dahil hindi naman siya artista talaga. Siyempre kailangan may kilig factor sa tambalan ng dalawa Echo and Andi. Oh well, speculation ko lang at sariling pag analisa eto.

      • Goldy, your opinion make sense, baka nga hindi talaga sila break, baka nga sinabihan lang sila ng Station dahil lang sa bagong love team ni Echo at Andi. Kasi pag may boyfriend or girlfriend na sa showbiz, hindi sa lahat ng panahon na masyadong mag click ang bagong ka love team kasi identified na ang aktor sa girlfriend or boyfriend kaya. May ibang mag click maski mayroon ng boyfriend or girlfriend but sometimes hindi mag click ang outcome. Opinion ko lang din ito, I might be wrong.

      • Ay oo nga ano, baka ma censor sa MTRCB pero si Alex down to earth lang sya kaya gusto ko sya. Pero baka hindi naman sya totally kagaya ni Rosanna Roces. Pero I’ve seen the other interviews ni Alex, pranka nga sya pero hindi naman kabastusan ang labas. Ewan ko, baka hindi lang ako totally well informed about sa kanya. I just think she is so bubbly sa mga interview nya and funny ang mga answers nya.

  8. di pa nagsisimula maglakad ang unang anak, may kasunod na agad.

    parang kasabihang, nauna pang dumapa ang ama kesa sa anak. bwekekekekekekkk.

Leave a Reply

Your email address will not be published.