ANG REPORT KAY GEN. ROSALES AT ANG MGA ILIGAL SA KYUSI

NAGULANTANG ANG BUONG pamunuan ng Philippine National Police nang mabunyag noong nakaraang linggo ang diumano ay pagiging “protector” daw nina Gen. Roberto “Boysie” Rosales at Col. Napoleon Cauyan sa “Dominguez carnapping syndicate”.

Agad na umalma, parekoy, ang magiting na heneral dahil wala namang umaako sa nasabing “Intelligence Report” (I.R.), bagama’t sinasabi na ito ay nanggaling umano sa isang “intel unit” ng military.

Napakaraming testimonya, parekoy, ang nagpapatunay sa kalinisan ng pagkatao ni Gen. Rosales… na maging tayo ay lubos na naniniwalang inosente si Boysie sa ibinibintang.

Pero sa totoo lang, dapat pa ring magkaroon ng isang malalimang imbestigasyon hinggil dito.

Upang malaman kung sinong demonyo ang pinanggalingan ng nasabing “intel report” dahil posibleng ang “author” nito ang mismong sangkot sa nabanggit na sindikato at gusto lamang nito na maihagis patungo kay Gen. Rosales ang isyu upang makaligtas ang lintek na salarin!

Diversionary tactics, ‘ika nga!!!

Maaari rin, parekoy, na kasama sa binabanggit ni Bishop Cruz na “destabilization plot” laban sa kasalukuyang administrasyon ang nasabing isyu, o kaya naman ay bahagi ng “demolition job” laban sa nasabing heneral upang hindi na talaga ito magiging “contender” sa PNP top post pagkaraang magretiro si Gen. Bacalzo.

Magulo talaga, parekoy… kaya nga kailangan na talagang paim-bestigahan ang nasabing insidente at upang maisiwalat na rin ni Col. Napoleon Cauyan ang anumang nalalaman niya sa carnapping.

Ngayon na dapat, parekoy… peryud!

TALAGANG WALA NG katapusan ang nagaganap na iligal na sugal d’yan sa Kyusi.

Hindi pa nga maawat-awat itong si Don Ramon sa kanyang kaliwa’t kanang raket, nariyan din ang “Jueteng” ni Tony S., ngayon naman, parekoy, sa loob daw mismo ng compound ng Quezon City Hall nagpapasabong ang mga alipores ni Mayor Herbert “Bistek” Bautista.

Sa likuran, parekoy, ng bagong tayong Civic Center Building sa Kyusi ginaganap umano ang tupada tuwing Sabado at Linggo.

At gaya ng iligal nina Tony S. at Don Ramon, hindi rin, parekoy, ginagalaw ng mga tauhan ni QCPD Dir. Gen. Benhardi Mantele ang nasabing iligal na sugal. Pakapalan na lang talaga ng mukha ngayon d’yan sa Kyusi, pwe!!!

INAANYAYAHAN KO PO kayong makinig sa aking programa sa radio na ALARMA KINSE TRENTA, tuwing 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes, sa DZME 1530 kHz (dulong kanan ng talapihitan).

Sa programang ito ninyo maririnig ang tunay na walang takot at walang kinikilingang komentaryo sa mga napapanahong isyu.

Maaari rin po ninyo akong marinig at mapanood sa internet, 6-7 ng umaga sa www.dzme1530.com

Anumang sumbong, i-text lang sa 09152121303 o kaya’y mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.