Ang pinakahihintay na araw nina Kristine at Oyo

SA WAKAS AY natuloy na rin ang pinag-uusapang kasalan nina Kristine Hermosa at Oyo Sotto last January 12 sa Club Balai Isabel in Talisay, Batangas. The longtime couple had caught the public’s attention simula nang ma-link sila sa isa’t isa. Memorable din ang kanilang wedding because it coincided with Oyo’s birthday.

Noon pa man, iba na ang gut feel ko tungkol sa kanilang totoong relasyon kahit hindi nila ito diretsahang aminin. Iba kasi ang ngiti sa mga labi at ningning ng mga mata nina Tintin at Oyo kapag tinatanong sila about each other.

Ang buong pamilya Sotto pati ang pamilya ni Tintin na lumipad pa galing Canada ay kumpletong nakiisa sa intimate Christian wedding ceremony. Dinaluhan din ng kanilang mga close friends at relatives ang special day ng dalawa.

The bride looked resplendent in her wedding gown created by Edwin Tan. Cobalt blue and pink ang motif sa kasal. After the ceremony, tumuloy ang lahat sa reception na ginanap din sa Balai Isabel. Si Tintin ay nagpalit ng isang white gown na gawa ni Francis Libiran.

Kabilang sa mga principal sponsors sa kasal sina ABS-CBN President Ms. Charo Santos-Concio, Star Magic Head Mr. Johnny Manahan at TAPE’s Tony Tuviera and Malou Choa-Fagar.

Kailan nga ba nagsimula ang kanilang magandang pagtitinginan? The public had played a guessing game about the real score of their relationship although they were often spotted together and were very vocal about their feelings for each other.

Una silang nagkakilala noong 2004 nang gawin nila ang Enteng Kabisote: Okay Ka, Fairy Ko: The Legend na pinagbidahan ni Vic Sotto, Oyo’s father. Sino ba naman ang mag-aakalang balang-araw ay magiging magkakapamilya sila?

2006 nang magsimulang main-love si Oyo kay Tintin during Enteng Kabisote 3: Okay Ka, Fairy Ko: The Legend Goes On and On and On. Pero kahit nagdi-date sila noon, sinasabi nilang magkaibigan lamang sila dahil ayaw nilang lagyan ng label ang kanilang relasyon. Pero matindi talaga ang tama ni Oyo kay Tintin kaya noong September 9, 2009 during Tintin’s 26th birthday ay nag-propose na siya sa aktres. At hindi naman siya nabigo dahil sinuklian naman ni Tintin ng kanyang matamis na “Oo” ang binata.

To Tintin and Oyo, congratulations and all the best!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

5 thoughts on “Ang pinakahihintay na araw nina Kristine at Oyo

  1. congrats sa inyong dalawa,,bagay naman kayo pero ikaw tin ha sayang din si diet iniwan mo…akin nalang yun ha,,,hahahahaha…best wishes sa inyong dalawa…

  2. Hindi naman kasi makakaHINDI ang isang BABAE pag si OYO BOY SOTTO na ang nagPROPOSE!!! kahit ako.. haha :P congrats TINTIN, best wishes :)

    • Favorite ko si KRistine Hermosa pero dapat hindi siya nagmadali. Sa ganda niyang yan, marami pa sa kanyang magkakagusto na may sinasabi at pwede siyang magbuhay-reyna. Babaero ang ama kaya hindi malayong dumating ang araw na mambabae rin si Oyo.

      • Oo nga no! Sana hindi maging Vic si Oyo pagdating sa pagka babaero, pero gusto ko si Vic kasi hindi sya hambog kagaya sa kahambogan ni Willie at kung mag host si Vic, hindi sya plastik tingnan. Oo ang ganda ni Tin, sana hindi nagmamadali, pero baka in-love talaga sila sa isa't isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.