ANG PERSONAL CASE NG OMBUDSMAN AT SI DON RAMON NG KYUSI

NASA MOOD TALAGA ng pakikipag-away itong si Ombudsman Mercy Gutierrez. ‘Yan, parekoy, ang ating napuna sa loob ng dalawang araw na pagdalo nito sa House at Senate committee hearings noong nakaraang linggo.

Sa mga sagot pa lamang nito sa mga tanong sa kanya, halatang puro pabalagbag.

May panahon pa na sinabihan nito ang isang Kongresista na “crush mo ako dahil paborito mo akong tanungin”.

Kumbaga, very unprofessional sa aking paningin ang asta nitong si Gutierrez!

Pero wala tayong magagawa, parekoy, dahil hindi natin basta-basta mababago, ‘ika nga, ang kinalakihang asal ng isang tao.

Kaya lang, nang magpa-interview na ito at sinabihan si DoJ Secretary Leila de Lima na huwag daw siyang pakialaman sa kanyang trabaho sa Ombudsman, doon na tayo, parekoy, nagkaroon ng konklusyon ukol sa Plea Bargaining Agreement na pinasok ng Ombudsman at ni Ret. General Carlos Garcia.

Ayaw ni Mercy na sinisilip ang desisyon ng kanyang tanggapan, ayaw ni Mercy na may mag-comment sa kanilang desisyon, ayaw ni Mercy na may magbigay ng payo sa kanilang mga desisyon… kasi ang akala talaga ni Mercy ay sarili niyang pag-aari ang Ombudsman!

Ang sapantaha ni Mercy, personal case niya ang plunder ni Gen. Garcia, na para bang personal na pera ni Mercy ang kinulimbat ni Garcia at hindi pera ng taumbayan.

Kaya kung ipaaareglo man ni Mercy ay walang pakialam kahit na sino!

B’wa ka ng ina mo Mercy, hindi mo pag-aari ang kasong ‘yan na maaari mong ipaareglo o magpabayad sa ‘yo para lamang maipaareglo!

Kaso ‘yan naming… People of the Philippines!!!

KUNG SINA QUEZON City Mayor Herbert Bautista at QCPD Dir. Gen. Benhardi Mantele ay talagang hindi nakikinabang mula rito sa mga transactions ni Don Ramon, dapat na nila itong gawan ng paraan na matigil.

Palasak na kahit saang korner ng Kyusi na basta’t may iligal ka ay kontakin mo lang si Don Ramon at para ka nang nakasandal sa pader!

Dinadaan na lang talaga nina Mayor Herbert Bautista at Gen. Benjardi Mantele sa pakapalan ng mukha. P’we!!!

INAANYAYAHAN KO PO kayong ma-kinig sa aking programa sa radio na ALARMA KINSE TRENTA, tuwing 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes, sa DZME 1530 kHz (dulong kanan ng talapihitan).

Sa programang ito ninyo maririnig ang tunay na walang takot at walang kinikilingang komentaryo sa mga napapanahong isyu.

Maaari rin po ninyo akong marinig at mapanood sa internet, 6-7 ng umaga sa www.dzme1530.com

Anumang sumbong, i-text lang sa 09152121303 o kaya’y mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

One thought on “ANG PERSONAL CASE NG OMBUDSMAN AT SI DON RAMON NG KYUSI

Leave a Reply

Your email address will not be published.