Ang Pasakit ng mga OFW

0947-202**** – Magandang umaga po Sir! Nais po naming idulog sa inyo ang aming problema. Ang asawa ko po ay OFW sa bansang Jeddah. May mga problema po sila roon at ang masaklap pa, isa sa kasamahan nila ang naaksidente at naputulan ng dalawang paa. Ayaw pong makialam ng agency namin. Sana po ay matulungan ninyo kami rito.

 

0930-218**** – Good day po, Sir Raffy! Nais ko  po sanang ireklamo ang K9 Security Agency na walang awa sa amin. Ang sabi nila noong unang apply namin, minimum daw po pasahod nila, pero nang makapasok na kami, P390 na lang kada araw nakukuha namin at ang laki pa ng kaltas sa 15th day, P600 po. ‘Di po namin alam bakit ganoon. Sana po ay matulungan ninyo kami.

 

0922-531**** – Magandang araw po, Idol! Meron po sana akong irereklamo sa lugar namin sa Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City na nagkalat ang mga video karera sa aming barangay. Sana po ay mapahinto na ang iligal na gawaing ito. Sa inyo na lang po kami umaasa dahil walang aksyon na ginagawa ang barangay chairman namin dito.

 

0908-192**** – Sir Raffy, ilalapit lang po namin sa inyo ang aming problema sa Tongohan National High School at Elementary dito sa Infanta, Quezon. Naniningil po sila ng P645 enrolment fee daw po at P150 para naman daw po sa CR.  May dagdag pa silang singil na P50 para raw sa kuryente. Mahirap lang po kami, Sir, kaya sana matulungan ninyo po kami.

 

0926-578**** – Boss Raffy, isumbong ko lang po sa inyo itong mga pulis sa Iligan City sa Tagibo, palagi na lang na-ngongotong sa mga driver tig-P50 lalo na ‘pag may nadakip sila, binubugbog pa nila. Wala po silang awa kahit menor de edad pa. Sana po ay maispatan ninyo sila rito para matigil na ang kalupitan nila.

 

0933-506**** – Idol, irereklamo ko po itong barangay health center dito sa Mangatarem, Pangasinan kasi po magpapacheck-up kami rito at nakapila na bigla nilang ihihinto dahil mag-iikot pa raw sila. Sana naman sinabi nila agad na may iba silang schedule para ‘di po kami naghintay nang matagal at nagsayang ng oras at pagod para lang pumila.

 

0933-632**** – Sir Tulfo, driver po ako ng trailer truck. Gabi-gabi po ako dumadaan sa Pasay, masyado po mga enforcer d’yan daig pa ang mga buwaya sa pangongotong nila. Malupit pa sa MMDA kung manghuli. Sana maturuan ninyo ng leksyon ang mga hinayupak na mga ‘yan.

 

0908-577**** – Good day po, Idol! Ireklamo ko lang iyong kumpanya rito sa amin. Masyado na po nilang binababoy ang lugar namin. Ang mga waste nila sa kalsada po nila tinatapon kaya nagdudulot ng sobrang alikabok at nakakaperhuwisyo sa mga residente rito lalo na sa mga bata. Sana po ay mapaimbestigahan ninyo ang walang kunsensyang kumpanyang ito.

 

Ang Wanted Sa Radyo ay napakikinggan sa 92.3FM, Radyo5 – Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00pm. Ito ay naka-simulcast sa Aksyon TV Channel 41.

Ang inyong lingkod ay napanood din sa programang T3 Reload sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 5:30-6:00pm. Alamin ang mga kaganapan sa ating bansa sa buong linggo at panoorin ang Aksyon Weekend news tuwing Sabado, 6:30pm. Ito ay naka-simulcast sa Aksyon TV Channel 41 at Radyo5.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-87TULFO, 0917-7WANTED, 0918-983T3T3 o 0949-4616064.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.