Ang pagsasama ng big names sa kasalang Mar at Korina – Boy Abunda

Natupad na rin sa wakas ang kasabihang “Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy” kina Senator Mar Roxas at Korina Sanchez. We intently followed their love story which was finally sealed with their exchange of wedding vows last October 27 at the Sto. Domingo Church in Quezon City. Nagsama-sama ang mga malalaking pangalan mula sa mundo ng pulitika, showbiz, high society at taumbayan para makisaya at saksihan ang sinasabing Wedding of the Year.

It was heartwarming to see Korina at her parents’ grave to ask for their blessings before proceeding to the church.

Korina was resplendent in her ecru Filipiniana wedding gown created by Pepito Albert and shoes by Cesar Gaupo. Natatakpan siya ng white cloth before she was revealed to the excited public. She was escorted by her brothers. The dashing groom could not hide his excitement while waiting for his beautiful bride. Sinabi ni Mar na ito raw ang isa sa pinakamahalagang araw sa kanyang buhay.

[ad#post-ad-box]

The principal sponsors were Rosa Rosal, Helen Costales, Ruby Roxas, Cheche Lazaro, Maria Fores, Chief Justice Reynato Puno, former Senator Jovito Salonga, Eugenio Lopez III, George Araneta and Senator Noynoy Aquino. Most of the bridesmaids were Korina’s longtime friends including ABS-CBN’s Pinky Webb and Jing Reyes. Ang mga flower girls ay mga pamangkin nina Mar at Korina. Cute na cute naman sina Baby James Yap who was the ring bearer at si Matthew Garcia (son of Dyan Castillejo) as the Bible bearer.

There were seven bishops who officiated the wedding while Fr. Tito Caluag, S.J. delivered the homily.

To quote Mar and Korina’s wedding vows:

Mar: “I give myself to you as your best friend to applaud when you succeed and help and encourage when you stumble. I offer myself to you as your husband in respect and in trust… I promise to be with you and be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love and honor you all the days of my life.”

Korina: “Ikaw ang katuparan ng lahat ng aking hinintay at minimithi ng aking puso na maging kasama, karamay, kaibigan at kakampi. Ikaw ang aking pinili upang alayan ng lahat ng iyong kakailanganin sa isang kasama at katabi sa buhay sa abot ng aking makakaya. Dumaan man ang unos, mga pagsubok, ang sakit, ang kabiguan, ako ay mananatiling dikit sa iyong dibdib, kahawak ng mahigpit ng iyong mga kamay… Basbas ng langit ang aking pagmamahal sa iyo at kasama ng Panginoon kahapon, ngayon at bukas ako’y iyong-iyo.”

Naging fashionistas ang mga celebrities na suot ang kanilang damit na gawa ng mga famous fashion designers: Richard Gomez (Randy Ortiz), Noynoy Aquino (Paul Cabral), Sunshine Cruz (Erik Pineda), Gretchen Barretto (Inno Sotto) at Kris Aquino (JC Buendia).

The newly weds had a meet and greet session with their well-wishers at the church premises. There was an intimate celebration at the Bahay na Puti, the Araneta’s ancestral house in Cubao which was attended by the wedding entourage, immediate family members, and closest friends of Mar and Korina.

All the best, Mar and Korina!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.