Ang Pagbabalik ng mga Kawatan!

0916524xxxx – Boss Raffy, dito po sa lugar ng Caloocan City, ang mobil patrol na mayroong body body number 157 ay nagbabalik muli sa pangongotong. Nagpahinga lang sandali at ngayon ay muli na namang mangongotong. Naniniwala po kami na magagawan ninyo ng aksyon at solusyon ang aming problema.

 

0918483xxxx – Mr. Raffy Tulfo, dito po sa lugar ng Gasan at Boac, Marinduque ay mayroong mga iligal na pasugalan na hawak ng aming barangay chairman. Matagal na po naming hinaing ang problemang ito pero nananatiling walang aksyon ang mga pinuno rito. Naniniwala po kami ng aming mga ka-barangay na kayo po, Ginoong Raffy Tulfo, ang makapagbibigay-solusyon sa aming problema. Maraming salamat po.

 

0949964xxxx – Idol Raffy, kami po ng aking buong pamilya ay walang sawang tagasubaybay ng WANTED SA RADYO. Nais ko lamang pong ihingi ng tulong ang aming problema. Ang bus company na Calamba Mega Transit Inc. ay mayroong ginagawang kalokohan. Madalas po kaming sumasakay rito at hindi lamang po isang beses ginawa ng nasabing bus company ang pagkalimot sa pagbabalik ng sukli sa kanilang mga pasahero. Modus na po ang kanilang ginagawa. Hindi lamang po sa akin nangyari ang bagay na ito kung hindi sa iba pang pasahero. Sana po ay maturuan ng leksyon ang mga taong sangkot dito dahil hind po madaling kumita ng pera. Sana po ay marami pa ang matulungan ninyo. Nagpapasalamat po kami sa inyo.

 

0926111xxxx – Sir Raffy, isusumbong ko lang po ang mga MMDA ng EDSA. Tuwing gabi hanggang madaling-araw, paborito nila ang mga truck parahin basta may karga ito at hahabulin agad pagkatapos ay hihingan ng kung anu-anong mga papeles. Bukod po sa abalang ginagawa nila, binabawasan pa nila ang kakarampot na kinikita namin. Sana po ay matulungan ninyo kami sa aming problema. Maraming salamat po.

 

0908489xxxx – Sir Tulfo, nais po sana naming humingi ng agarang aksyon para sa aming hinaharap na problema. Ang aking anak po ay ikinulong ng hindi dumaan sa tamang proseso. Nagkaroon po ng pag-aaway ang aking anak at manugang na kung saan nakialam ang amang pulis ng aking balae at basta na lang po itong pinadampot at ipinakulong ng aking balae. Wala naman pong kasong isinampa sa kanya pero hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang pakawalan ng mga pulis sa loob ng kulungan. Sana po ay tulungan ninyo kami na mapalaya ang aking anak.

 

0927232xxxx – Kuya Raffy, nais ko lang pong ipaalam sa inyo na nandito na naman ang mga pulis ng Las Piñas na nanghaharang sa loob ng Martin Ville Subdivision. Ito po ay nakasakay lamang sa motor at nangongotong. Ang kanilang pinuno ay si Col. Sapitula. Sana po ay maipahatid ninyo na nagugutom ang kanyang mga pulis at dapat niyang kastiguhin ng hindi na pamarisan pa ng karamihan.

 

ANG INYONG mga sumbong ay masosolusyunan at mapapakingan sa programang WANTED SA RADYO 12:30-2:00 ng hapon, Lunes hanggang Huwebes at 2-4pm tuwing Biyernes sa 92.3 News fm. At mapapanood sa Aksyon TV Channel 41.

 

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.