Love Compatibility: Ang Pag-ibig na Kiyeme (Eugene Domingo – Dingdong Dantes)

Screen Name: Eugene Domingo
Real Name: Eugene Domingo
Birthday: January 29, 1971
Zodiac: Aquarius
Symbol: The Water Bearer
Ruling Planet: Uranus
Quality: Fixed
Element: Air
Strengths: Friendly and affable, Intelligent, Kind and compassionate, Practical
Weaknesses: Unpredictable, Adamant, Dislike commitments, Hates adhering to conventions

Screen Name: Dingdong Dantes
Real Name: Jose Sixto Raphael Gonzales Dantes III
Birthday: August 2, 1980
Zodiac: Leo
Symbol: The Lion
Ruling Planet: Sun
Quality: Fixed
Element: Fire
Strengths: Kind and big-hearted, Energetic, Optimistic, Honest and loyal
Weaknesses: Prone to jealousy, Too much possessive, Egoistic, Dominating

Minsan nang nabanggit ni Uge (Eugene Domingo) na gusto niyang makatambalan ang isa sa kasalukuyang hottest heartthrob ng Philippine Entertainment Industry, ito ay walang iba kundi si Dingdong Dantes. At mukhang hindi naman siya nabigo sa pangarap niyang ito dahil nagkaroon sila ng isang matagumpay na pelikula na silang dalawa ang magkasama sa lead roles.

Kumusta naman kaya ang kanilang chemistry? May tiyansa ba naman ang mga katulad ni Eugene na maka-iskor sa katulad ni Dong? Eh, paano kaya kung biglang nabago ang ihip ng hangin at tuluyang nagsama si Kimmy/Dora at Johnson sa totoong buhay (ok, kahit sa panaginip lang. Pagbigyan n’yo na)?

Si Uge ay isinilang noong Enero 29, isa siyang Aquarius at si Dong naman ay noong Agosto 2, na isa namang Leo. Ayon sa kanilang love compatibility, medyo disente naman ang kanilang pagsasama. Pero dahil nga sila ay nasa dalawang magkaibang dulo ng zodiac, ang kanilang relasyon ay maaaring maging mabuti… o masama.

Magugustuhan ng Water Bearer ang pagiging malambing at ang kagandahang-loob ng Leo. Samantalang maaakit ang huli sa confidence at pagiging totoo ng una. Kahit na magkaiba ang kanilang ugali, tatatak naman sa bawat isa sa kanila ang kakaiba at kaaya-ayang pag-uugali nila. Pareho nilang gusto ang kanilang social life at kadalasan ay nagiging sentro sila ng atensiyon sa mga pagtitipon.

Ngunit dahil nga sa medyo magkaiba ang kanilang ugali, kinakailangan nilang trabahuin ang kanilang relasyon upang ito ay magtagumpay. Kailangang irespeto ng Leo ang pagiging malaya ni Aquarius at kailangan namang intindihin ng huli ang pagiging malambing ng una.

Iyon naman pala eh, para magkatuluyan sina Eugene at Dingdong, kailangan pang magkaroon ng kompromiso sa kanilang dalawa para maging maligaya sila sa isa’t isa. Kung talagang pag-iigihan ni Uge, malamang sa alamang, baka makuha niya ang puso ni Dong! O, wala nang kokontra, okie!

by Jerome Caraballa

loading...

2 thoughts on “Love Compatibility: Ang Pag-ibig na Kiyeme (Eugene Domingo – Dingdong Dantes)

  1. 30 years old pa lang si Doorbell at 38 na si Eugene pwede na rin why not?! ala Demi Moore and Ashton Kutcher :D malay nyo mag-stick to one man woman na si Doorbell sa kanya (NOT!!!) just dream on little broomstick cowboy…… o baka kahit sa panaginip ay hindi mangyayari bwahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.