Ang pag-ibig ayon kina Kris at James

“Love knows no boundaries,” ‘yan ang pinatunayan nina James Carlos Yap at Kristina Bernadette Cojuangco Aquino sa kabila ng isyu ng edad at mga kontrobersiyang sumubok sa tibay ng kanilang relasyon. Sa katunayan, habang tumatagal, mas lalo pa nga yatang tumitibay ang relasyon ng dalawa at maging sila mismo, aminadong pursigido silang mas pagtibayin pa ito.

Ipinanganak si Kris noong February 14, 1971 habang iniiri naman si James noong February 15, 1982. Parehong sikat sa kanya-kanyang larangan sina Kris at James. Si Kris, isa mga highest paid TV host samantalang si James naman, MVP sa mundo ng mga dribolista. Para malayo sa ingay ng kanilang mga mundo, nagpakasal ang dalawa noong July 10, 2005, saksi ang ilang malalapit na mga kaibigan.

Hindi naging hadlang ang 11 agwat sa edad ni Kris kay James para hindi mabighani ang huli sa una. Sabi nga ni James, mahal na mahal niya talaga si Kris, at sana habambuhay na silang magkasama.

Pero dahil tao lang at may mga kahinaan din, sinubok silang dalawa bilang mag-asawa nang masangkot si James sa isang malaking kontrobersiya. Nagkaroon daw ng relasyon si James sa isang Hope Centeno na nakilala niya sa isang sikat na beauty clinic.

Pinatunayan ni Kris na desidido siyang ayusin ang kanilang pagsasama at paninindigan. Ani Kris,

anumang krisis ang mga pinagdadaanan nila, sa pagitan lang nilang mag-asawa ‘yun at kanilang aayusin sa loob mismo ng kanilang tahanan. True enough, nalampasan nila ang krisis at ngayon nga, masaya sila kasama sina Baby James at Josh na naninirahan sa tahanang silang dalawa mismo ang pumili.

Ayon sa mag-asawa, mas marami pa raw silang natututunan ngayon sa isa’t isa lalo pa’t sumasailalim din sila sa isang counselling para mas mapagtibay pa ang kanilang pagsasama. At para sa dalawang tiyak na marami pang pagdaraanan, lagi sana silang maging matatag para malampasan nila ang mga suliranin.

Ni Mayin de los Santos, Photos by Fernan Sucalit, Parazzi Wires and Parazzi Zoon

Related Post

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5294 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.