ANG NABULGAR NA MILYONES NA NAKAWAN SA AFP AT SI DON RAMON

MUKHANG ‘DI NGA kaya ni Quezon City Police District Director Benhardi Mantele ang kamandag sa mga iligal nitong si Don Ramon.

Bakit? Aba naman, parekoy, ayon sa ating “spy”, tunog pa lang ng pangalan ni Don Ramon ang naririnig ni Gen. Mantele ay aprub na agad… without thinking!!!

Hindi lamang iligal na sugal ang kontrolado ni Don Ramon d’yan sa Kyusi, kundi maging ang putahan diyan ay sa pangalan pa rin ni Don Ramon nakakabit…

Totoo ba ito Gen. Mantele?

Bakit, gaano ba kalapit kay Mayor Bistek itong si Don Ramon? Ha? Malalaman din natin ‘yan!!!

DAHIL SA “PLEA Bargaining Agreement” sa pagitan ng hinayupak na Ombudsman at Ret. AFP Comptroller General Carlos Garcia, nahalungkat na, parekoy, ang buong “likaw ng bituka” ng matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines.

Sa ginawang pagdinig sa Senate Blue Ribbon Committee noong nakaraang linggo, pumuslit ang impormasyon kung gaano kalaking halaga ang perang napupunta sa bulsa ng matataas na opisyal ng AFP.

At tandaan natin parekoy na ang perang ‘yan ay dugo at pawis ng ating mga sundalong mabababa ang ranggo.

Perang dapat sana ay naidagdag pambili sa mga kagamitan ng ordinaryong sundalo upang kumapal naman ng kaunti ang kanilang mga sapatos… at maiayos ang kanilang mga pagkain!

Perang dapat sana ay naibili ng matatag na armas upang magamit sa kanilang pakikipaglaban sa mga kaaway ng pamahalaan… ang nangyayari ang ating mga sundalo ang kawawa na kadalasan ay nagbubuwis ng buhay.

Dahil ang nasabing pera ay ninanakaw lang pala ng kanilang mga pinuno. Pwe!!!

Ang ordinaryong sundalo, pagpasok sa serbisyo ay may pasalubong na suntok at tadyak!

Pero ang Chief of Staff, pagpasok sa puwesto ay mil-yones ang pasalubong.

Ang ordinaryong sundalo, pag-alis sa puwesto ay may pabaon na mga kaso o kapiranggot na halagang hindi nga maibibili ng isang hikaing kalabaw.

Pero ang Chief of Staff, pag-alis sa puwesto ay may pabaon na limampung milyong piso!!!

Demonyong buhay na ito, parekoy… Hindi pa nagkandamatay ang mga animal!!!

INAANYAYAHAN KO PO kayong makinig sa aking programa sa radio na ALARMA KINSE TRENTA, tuwing 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes, sa DZME 1530 kHz (dulong kanan ng talapihitan).

Sa programang ito ninyo maririnig ang tunay na walang takot at walang kinikilingang komentaryo sa mga napapanahong isyu.

Maaari rin po ninyo akong marinig at mapanood sa internet, 6-7 ng umaga sa www.dzme1530.com

Anumang sumbong, i-text lang sa 09152121303 o kaya’y mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.