Ang muling paglipad ni Darna sa katauhan ni Marian Rivera

Pagkatapos niyang gampanan ang mga papel na Marimar, Dyesebel at Proserfina, may panibago na namang hamon na haharapin ang kinikilalang Reyna ng Kapuso network na si Marian Rivera. Siya ang napili na gumanap bilang Darna at Narda sa telebisyon. Dahil dito, muli na naman nabuhay ang pagkukumpara sa kanila ni Angel Locsin, ang dating reyna ng network at pinakahuling gumanap bilang Darna/Narda.

Unang napabalita na dapat Captain Barbell meets Darna ang magiging titulo ng palabas. Hindi namin maiwasang isipin na hindi pa talaga maka-move on ang Kapuso network sa paglipad ng isang Angel papunta sa kabilang bakuran kung kaya’t plinano nilang gawin ang ganitong palabas. Marami ang nadismaya dahil hindi nga ito natuloy. Ang mangyayari na lang daw ay may guest appearance si Captain Barbell sa bagong fantaserye.

Sa Agosto na raw lilipad si Marian Rivera bilang Darna. Nabunyag na rin kung sinu-sino ang mga makakasama niya. Nakahanap si Marian ng bagong katambal sa katauhan ni Mark Anthony Fernandez bilang Efren. Si Iwa Moto naman ang magiging pinakamatindi niyang kalaban bilang si Valentina, ang modelong magiging babaeng ahas. Nabanggit din ang mga pangalan nina Nadine Samonte, Isabel Oli at Ehra Madrigal bilang mga babaeng makakatunggali pa niya.

Noong una ay marami ang bumatikos kay Marian sa pagtanggap niya sa nasabing papel. Kesyo hindi daw niya kakayanin ito dahil hindi naman siya mukhang athletic at may sawa factor na raw ito. Dahil dito, lalong pinaghusayan ni Marian ang pageensayo. Nag-aaral siya ngayon ng iba’t ibang istilo sa pakikipaglaban para hindi siya mapahiya sa kanyang mga fans at detractors. Bumilib din kami ng makita naming ang mga larawan ni Marian suot ang kulay pula na costume ni Darna. Kering-keri naman pala niyang maging superhero eh!

Malalagpasan kaya ni Marian Rivera ang tagumpay na tinamasa noon ni Angel Locsin bilang Darna? May chemistry kaya sila ni Mark Anthony Fernandez? Kaiinisan kaya si Iwa Moto bilang Valentina? Magiging toprater kaya ang bagong Darna? Malalaman natin ang mga kasagutan sa muling paglipad ni Darna.

By Pinoy Fans Club

Para sa mga katanungan at komento, mag-email lamang sa pinoyfansclub@gmail.com. Bisitahin din kami sa http://www.pinoyfansclub.com.

loading...

2 thoughts on “Ang muling paglipad ni Darna sa katauhan ni Marian Rivera

  1. baga bumigay tuhod nitong Darnang to kasi matanda na siyang Darna, o baga puro double na lang ang mga stunts at fight scenes

  2. I think it’s going to be a hit! Iba ang dating ni Marian. With her beautiful face and a well-toned body, very natural ang beauty, maliksi and kaniyang mga stunts, meaning mas magandang tignan sa mga action scenes.
    Let’s not make comparisons anymore, kasi usually they have their own styles. marian will definitely deliver in
    terms of her acting ability!

Leave a Reply

Your email address will not be published.