Ang malaking kawalang-hiyaan ni Hayden Kho!

HAY NAKU! MAHABA pa ang tatakbuhin nitong video scandal isyu nina Hayden Kho at Katrina Halili. Ang dami nang naganap at lalo pang nadidiin ngayon itong si Hayden.

Matindi nga ang ginagawa nila ngayon para maipagtanggol ito pero mahihirapan sila dahil galit na ang mga tao sa kanya at palpak pa ang mga inilabas nitong statement.

Meron pa silang paninira laban kay Sen. Bong Revilla pero hindi naman umepek dahil obvious namang gusto lang nilang siraan sina Bong lalo na si Katrina. Kaya sabi nga ni Bong, bugok na iyang style nila.

Diyos ko, ‘day! Dramang-drama siya nang magbigay ng statement at nag-apologize sa mga nadamay sa ginawa niyang sex video. Pero sa totoo lang, nagkita kami at wala akong nakitang remorse sa kanya. Parang siya pa rin ang malinis at tama. Siya pa ang nabiktima dito dahil ni-seduce daw siya nina Katrina at ng iba pang mga babaeng sangkot sa sex video na ‘yun.

Hindi raw siya ang nagkalat ng video na ‘yun kundi ang kaibigan niyang sina Eric Chua at iba pa. Siya, walang ginawa? Siya pa ang nabiktima? Samantalang siya ang may kagagawan nitong lahat at nagpakita sa mga kaibigan niya? Pagkatapos sasabihin niyang “condemn the sin not the sinner?” Ano ‘yun?

Kung sino man ang nagturo ng ganu’ng drama kay Hayden, palpak!

Bongga pa ang naisip nilang kinuhang abugado ni Hayden, si Atty. Lorna Kapunan na isang women’s rights activist. Matino naman talagang magsalita si Atty. Kapunan, pero ewan ko lang, ha? Kasi isang pagkakamali lang diyan ni Hayden, maaaring bitawan rin siya ni Atty. Kapunan.

Sinabi naman mismo ni Atty. Kapunan na may pagkakamali rito si Hayden. ‘Yun nga lang, dapat mapatunayan nitong hindi siya ang nagkalat dahil personal ang napaka-private na gamit niyang ‘yun. Pero babalik pa rin naman tayo sa tanong na bakit kailangan niyang i-video na hindi alam ng babaeng kaulayaw niya?

Ang malaking kawalang-hiyaan pang ginawa niya, ginagawa niya ito sa kama ng condo unit niyang si Dra. Belo mismo ang nagbabayad! Ginagawa niya ang kababuyang ‘yun sa kamang doon din niya nakakaulayaw si Dra. Belo na nagmamahal sa kanya nang husto. Hanggang ngayon ay mahal pa rin siya ni Vicki at bulag sa sobrang pagmamahal sa kanya.

Heto na nga at inamin na rin nila mismo na lumalabas na rin ang sex video nila ni Vicki, pero nandiyan pa rin ang huli at patuloy na sumusuporta sa kanya at nagmamahal. Tuloy pa rin ang pagkabulag niya sa lalaking ito at kung kalian siya magigising, ewan ko na lang!

Mahal na mahal ko si Vicki dahil mabait at matino siyang tao at kaibigan, pero hindi ko matanggap ang taong minahal niya nang husto na lantaran na siyang binababoy. Kaya sinabihan ko na siya na hindi ako titigil sa pagtira kay Hayden at nagpasintabi na rin ako sa mga anak niya na hindi ko aayunan ang kagagahan ng nanay nila.

Sa ngayon, lalong dumarami ang sumusuporta kay Katrina at ang pinakamahalaga, nandiyan ang pamilya at mga kaibigan niya na lalong nagmahal at hindi siya iniiwanan. Malaki ang pasasalamat nito kay Sen. Bong Revilla na siyang unang nagbukas nito at ipinarating sa Senado kaya nagkaroon ng direksyon itong ipinaglalaban ni Katrina.

Sabi nga ni Bong, lalo nilang ipupursige itong matagal nang nakabinbin na Senate Bill on Anti-Pornography and Cybersex or Cyber-boso, para kung meron mang kasunod na ganitong kaso, alam na kung ano ang nararapat na parusa.

Nagpahayag naman ang GMA 7 na hindi nila tatalikuran si Katrina. Kasama sila sa ipinaglalaban ng dalaga hanggang sa mabigyan siya ng hustiya sa kasong ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “Ang malaking kawalang-hiyaan ni Hayden Kho!

  1. mahal mo c D. Belo lolit dahil my free facial ka..
    kung ordinary ka lng n babae at hindi k artista katrina halili wala ng pakialam yang mga politician n yan.. malas m lng artista ka nakipag talik k sa khit cnung lalaki.. malas mo nakatapat mo ang tutumba sau..

  2. There are really so many idiotic Filipinos that can be easily swayed by the media! Yes, the issue is Hayden Kho. But Revilla is also an issue because he doesn’t have the right to judge another person because he doesn’t have the credibility to do so. He should also be prosecuted by the law. He and his father sired countless children with another women while they’re married. Revilla is sickening! How could you put a stupid senator like this one?

  3. Hindi ba tinatakot ni Lolit si Katrina at Ruffa Mae noon. Ang sabi niya, may video at nakita na niya. That means Lolit is aware of these videos before all of these hoopla. She took Hayden and Belo’s side before Katrina decided to file a lawsuit. Ngayon naman, bumabaligtad siya. Whatever Lolit says, have no credibility.

    • eh boba ka pala liza eh. noon pa man, lolita has been denouncing hayden kho. anong pnagsasasabi mo jan na she sided with hayden. bobita!

  4. anung hindi nila pinabyaan c Katrina ng GMA? no.1 talaga kayo sa kasinungalingang ngayon hot topic c Katrina sinusuportahan nyo , noong lumabas ang issue san kayo…………..????????????????

Leave a Reply

Your email address will not be published.