Ang Maintrigang Love Affair nina Jake Cuenca at Melissa Ricks

MAINTRIGA ANG naging love affair nina Jake Cuenca at Melissa Ricks. Almost a year din nilang itinago ang tunay nilang relasyon bago nila inamin in public na sila na nga. Nand’yang pumasok sa eksena si Jolo Revilla nang magkasama sila sa isang action-adventure na Pepeng Agimat. Nagsimulang magparamdam ang young action star sa dalaga, sa pag-aakalang nanliligaw pa lang noon si Jake sa dalaga. Palaging may dalang masarap na pagkain sa taping si Jolo para kay Melissa. Kung anu-anong mamahaling regalo ang ibinibigay nito sa actress kahit walang okasyon.

Hanggang nagselos na nga si Jake sa magandang pagtitinginan nina Melissa at Jolo. May pagkakataon pa ngang sumamang manonood ng sine ang dalaga sa anak ni Sen. Bong Revilla sa Greenhills. Agad namang tumigil sa panliligaw ang binatang ama nang iparating ni Jake kay Jolo na syota na niya ito. Naputol ang magandang friendship na sana mauuwi sa isang magandang relasyon.

Hanggang dumating sa puntong naging seryoso ang relationship nina Jake at Melissa kahit tutol ang pamilya ng dalaga sa kanilang relasyon. Nabalita, hindi umaakyat ng ligaw itong hunk actor, hanggang sa bungad lang ng bahay inihahatid ang actress. Knows kasi ng parents ang pagiging matinik sa babae ni Jake. Kahit anong pangaral daw ang sabihin kay Melissa na layuan ang aktor, sarado ang isip nito sa tawag ng pag-ibig at ang pinaiiral ang pagmamahal niya sa binata.

Madalas napagkikita sa mga gimikan at sosyalan sina Jake at Melissa. Naging open in public ang kanilang relasyon. Maganda ang naging takbo ng kanilang love relationship sa unang taon. Palaging may natatanggap na regalo si Melissa sa boyfriend niyang si Jake kahit walang okasyon. Niregaluhan din niya itong ng signature bag last Christmas and birthday. Maalaga at thoughtful si Jake kaya lalong nahulog ang loob niya rito at tuluyang na ngang na-in love.

Palibhasa, first love ni Melissa si Jake kaya lahat ng mali, nagiging tama para sa kanya. Matindi pala kung magmahal ang dalaga. Ipinaglaban niya ang aktor at pinatunayan niya ito sa kanyang pamilya. Sa buong pagkakaala ni Melissa, ganoon din katindi ang pagmamahal ni Jake sa kanya. Hanggang dumating sa puntong naging selosa na si Melissa. Dumalas ang kanilang tampuhan hanggang nauwi na nga sa hiwalayan, cool-off muna, ‘ika nga.

Itinago nina Jake at Melissa sa  press people na on the rocks ang kanilang relationship. Nagbabaka-sakali na muli silang magkabalikan pero tuluyan na silang nag-iwasan at hindi na nakapag-usap para bigyan ng closure ang kanilang love affair. Hindi umaamin si Jake sa totoong status ng kanilang relasyon. Napakapangit nga naman sa isang lalaki na sa kanya pa manggaling na hiwalay na sila. Hinayaan niyang kay Melissa manggaling na break na sila saka palang lumabas ang katotohanan.

 

Masakit para kay Melissa ang nangyari sa kanila ni Jake. Kahit sabihin pa nating nagkausap na sila at nagkaliwanagan, may sakit na iniwan ito sa puso ng isang nagmamahal. Hindi pa rin matanggap ng mestisang aktres na tapos na ang magagandang sandali sa kanila ng aktor. Hindi pa rin maka-move on ang dalaga sa nangyari sa kanila ni Jake. Para kay Jake, isang kabanata ‘yun ng isang lalaking nagmahal at minahal. Ayon sa kanya, totoong minahal niya ang dalaga, pero hindi sila para sa isa’t isa kaya nangyari ‘yun. Mabilis naka-recover si Jake sa paghihiwalay nila ni Melissa. Muling tumibok ang puso sa katayuan ni Lovi Poe. Ipinagsigawan ang tunay niyang damdamin sa dalagang anak ng yumaong Fernando Poe, Jr.

Proud na inirampa ni Jake si Lovi bilang partner niya sa Star Magic Ball. Nag-react si Melissa na para bang selos na selos. Nagbitiw pa ito ng salita na respeto naman daw sa kanya. Hindi alam ng hunk actor na na-offend niya ang ex-girlfriend. Humingi naman ng tawad si Jake nang malaman ‘yun. Sa lahat ng heartbreaks, disappointments, at ‘yung mga expectations sa kanya at kung hindi siya naging mabuting boyfriend, nagso-sorry siya.

Hindi rin nagtagal ang pagiging close sa isa’t isa nina Jake at Lovi, naputol agad ang kanilang friendship. Ngayon pareho na silang loveless. Anong malay natin, biglang mag-krus ulit ang kanilang landas at sa bandang huli sila pa rin ang magkatuluyan. Who knows, life is full of mystery, let’s wait na lang and see…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

3 thoughts on “Ang Maintrigang Love Affair nina Jake Cuenca at Melissa Ricks

  1. DI MAKA-MOVE ON C MELISSA RICKS KC NAKANTOT NA CYA NI JAKE CUENCA NA KABIT NG BAKLA. HAY MASYADO KCNG MATIGAS ULO NYA AT PAKANGKANG YAN TULOY NALASPAG NI JAKE NA ABNO! BWAHAHAHAHAHHAA

  2. Bakit po recycled issue ang tinalakay niyong lahat na writers sa araw na ‘to? Utos ng editor maglagay ng mga fillers sa columns niyo? Hmm..

  3. Malabo ata na may 2nd time around. Di maka move on si girl kasi sinuko ang Bataan. At si Boy naman well, all work and no play makes him a DULL boy. Yun na!