Ang Mainit na Stud Party!

1. Crowd Shot

Picture 1 of 9

HINDI NAPIGILAN ng malakas na ulan at hangin ang pagrampa ng mga hot men sa Inside Showbiz Stud Party!

Isang nag-iinit na party ang dinaluhan ng mga readers, fans and media para makisaya kasama ang Inside Showbiz magazine. Kasabay ng Hottest Men Issue ng nasabing magazine ngayong Agosto, nagkaroon ng isang malaking party kasama ang ilan sa Hottest Men of 2012, at matitikas na male models.

Naging isang espesyal na handog ng magazine ang event para sa supporters nito. Nagkaroon ng tatlong fashion show segments kung saan may “Boy Next Door”, mga “Men in Uniform” at ang pinakadaring at pinag-usapang finale na “Good Enough to Eat”.

Tapos ng fashion show ay tinawag onstage ang ilan sa hottest men na pumunta sa party. Si Mark Herras ay nagpakita ng sexy hip-hop dance moves, si Fabio Ide ay nagkuwento tungkol sa upcoming movie niya at si Markki Stroem ay kumanta para sa supporters niya. Ang ilan pang hottest men na pumunta sa party ay sina JC Tiuseco, Kean Cipriano, Jaco Benin, JC de Vera, Jay Gonzaga at DJ Callum David.

 

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.