ANG MAHINANG EBIDENSYA NI MERCY AT ANG JUETENG NI TONY SANTOS

BUSISIIN NATIN, PAREKOY, itong inginangakngak ni Ombudsman Mercy Gutierrez na diumano ay mahina ang kanilang ebidensIya kaya pinasok nila ang Plea Bargaining Agreement sa kaso ng plunder o pangungulimbat ni dating AFP comptroller Carlos Garcia.

Ayon sa Ombudsman at sa kasabwat nitong mga Special Prosecutors, ta-nging ang admission letter ng asawa ni Garcia ang kanilang hawak na ebidensya sa kaso.

Kung hindi pa nagkaroon ng pagsisiyasat ang Kongreso at Senado, hindi pa natin nabisto, parekoy, na matatag pala ang ebidensya laban kay Garcia.

Na sinasabi lang ng “gang” nina Gutierrez na mahina ang ebidensya para mai-justify ang ginawa nilang “aregluhan” na ayon sa sapantaha ng nakararami ay milyones ang partehan.

Narito, parekoy, ang mga ebidensya… ‘yong mismong admission letter ni Gng. Clarita Garcia ay dalawang kopya pala kung saan ang isa nito ay ginawa niya “under oath”.

Napakarami palang dokumento laban kay Garcia, dahilan kaya ito convicted noong 2005 sa isang General Court Martial!

Labing anim na beses palang nag-testify noon sa Sandiganbayan itong si COA Auditor Heidi Mendoza upang patunayan ang pangungulimbat ni Garcia.

Sangkaterbang dokumento pala ang isinumite ni Mendoza sa Sandiganbayan bilang patunay sa nasabing plunder case.

Kasama pala sa mga isinumite ni Mendoza ay ang “voucher” na pirmado ni Garcia hinggil sa maanomalyang 200 milyong piso!

Nagkaroon ng P128 milyong withdrawal sa bangko ang pamilya ni Garcia sa loob lamang ng 4 na araw, ang bagay na ito ay alam na alam ng “gang” nina Mercy… na isa pang basehan talaga sa kasong pandarambong ni Garcia.

Ang lahat ng testigo/ebidensyang ‘yan ay mahina pa rin daw… ‘Tang’nang buhay ito, parekoy, gago na lang ang hindi maniniwala na hindi nagkaroon ng milyones na lagayan dito sa lintek na Plea Bargaining Agreement! Pwe!!!

KAHIT SAANG SULOK ng Quezon City ay alam na, parekoy, na ‘yang “Jueteng” na rumaratsada ay financed ni Tony Bulok Santos.

Kalat na rin ang tsismis na sina Mayor Bistek at Gen. Benjardi Mantele ang mga unang inareglo ni Santos bago nito pinakalat sa Kyusi ang nasabing iligal na sugal.

Kaya naman pala walang takot kung rumatsada ang operasyon ng lintek na Jueteng ni Santos.

Pero sa kabila nito, parang walang anuman kina Bistek at Mantele itong dagdag na iligal sa kanilang lugar.

Talagang pakapalan na lang ngayon sa Kyusi ang labanan!!!

INAANYAYAHAN KO PO kayong makinig sa aking programa sa radio na ALARMA KINSE TRENTA, tuwing 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes, sa DZME 1530 kHz (dulong kanan ng talapihitan).

Sa programang ito ninyo maririnig ang tunay na walang takot at walang kinikilingang komentaryo sa mga napapanahong isyu.

Maaari rin po ninyo akong marinig at mapanood sa internet, 6-7 ng umaga sa www.dzme1530.com

Anumang sumbong, i-text lang sa 09152121303 o kaya’y mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.