ANG LTO CHIEF AT SI DON RAMON NG KYUSI

KUNG SINA QUEZON City Mayor Herbert Bautista at QCPD Dir. Gen. Benhardi Mantele ay talagang hindi nakikinabang mula rito sa mga transactions ni Don Ramon, dapat na nila itong gawan ng paraan na matigil.

Palasak na kahit saang korner ng Kyusi na basta’t may iligal ka ay kontakin mo lang si Don Ramon at para ka nang nakasandal sa pader!

Ano ba Mayor Bistek at Gen. Mantele, pakapalan na lang ba talaga ang labanan?

KAHINAHINALA, PAREKOY, ANG napakalamig na mga kasagutan ng hepe ng Land Transportation Office na si DOTC Usec. Virginia Torres kaugnay sa napakaseryosong paratang laban sa LTO.

Matatandaan, parekoy, na isa sa tinuran ni Alfred Mendiola na may kasabwat umano sina Raymund Dominguez na taga-LTO dahilan kaya napakabilis nitong madokumentuhan ang mga sasakyang kinarnap ng sindikato.

Ang bagay na ito ay nauna na ring binanggit ni DILG Secretary Jesse Robredo na malaki talaga ang posibilidad na may kasabwat sa LTO ang mga “carnapping syndicate” kaya namamayagpag ang mga ito.

Pero sa halip na magsagawa itong si LTO Chief Virginia Torres ng isang masusing imbestigasyon sa kanyang ahensiya, mabilis at “paasik” pa itong nagpahayag na “tukuyin nila kung sino”!

Animal ka, madam, sa gitna ng sunud-sunod na pangingidnap, pangangarnap, pagpatay at pagsunog sa mga bangkay ng biktima ay hindi ka man lang natinag na demonyo ka!

Ka-babae mong tao, hindi ka man lang nakaramdam ng habag sa mga biktima at posible pang maging biktima ng mga halimaw na karnaper?

Sa totoo lang, Madam Torres, tatlong dahilan kung bakit kailangan mong magsagawa ng imbestigasyon sa ahensiya ng LTO kaugnay sa paglalabas ng mga dokumentong ginagamit ng mga karnaper.

Una, may legal na obligasyon kang linisin ‘yang lintek na LTO, na kung hindi mo kayang gawin ay dapat lumayas ka na d’yan na hinayupak ka!

Ikalawa, may moral na obligasyon tayong dapat gampanan upang makatulong man lang sa ating kapaligiran upang masawata na ‘yang karima-rimarim na mga krimeng walang habas na kumitil sa buhay ng mga kaawa-awang biktima… ‘yan ay kung may habag ka pa, at kung sa tantiya mo, Ginang Torres ay wala ka nang sensya moral… aba eh, mas lalong dapat ka na ngang lumayas d’yan sa LTO!

Ikatlo, maliwanag pa sa sikat ng araw na limpak-limpak na halaga ang involve d’yan sa nasabing raket ng pakikipagsabwatan sa mga karnaper, at kaya ka mag-iimbestiga ay upang patunayan na hindi ka nakakahawak sa nasabing pera!

Dahil kung sakaling pati ikaw ay nakakahipo d’yan sa limpak-limpak na halaga… aba eh, ngayon pa lang dapat ay lumayas ka na talaga. Hmp!!!

INAANYAYAHAN KO PO kayong makinig sa aking programa sa radio na ALARMA KINSE TRENTA, tuwing 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes, sa DZME 1530 kHz (dulong kanan ng talapihitan).

Sa programang ito ninyo maririnig ang tunay na walang takot at walang kinikilingang komentaryo sa mga napapanahong isyu.

Maaari rin po ninyo akong marinig at mapanood sa internet, 6-7 ng umaga sa www.dzme1530.com

Anumang sumbong, i-text lang sa 09152121303 o kaya’y mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.