Tago: Ang kuwento ng higanteng dilaw na tutule

Hello pow!

Kung ayaw mong maka-sightsung ng nakaririmarim na tanawin, ‘wag kang masyadong didikit sa bida nating representative of our Beloved Philippine Republic. Dahil sa sobrang abala yata niya sa kung anik-anik na gimik, nalimutan na niyang maglinis ng kanyang taingang malupet.

Tama, kaparazzi of the Philippine Republic. Isang mambabatas ang laman ngayon ng huntahan ng mga miron na babad sa Batasan Pambansa Complex. At dahil matinik, hindi ito pinalampas ng ating chikadorang malupet.

Ayon sa tip ng mga asset inside the Congress, may ilang utaw raw ang nakakiskisang-siko ng ating bidang rep. Dahil may kahusayan sa kabila ng kanyang pagkadamatans, bilib na bilib sa kanya ang mga utaw.

Tulad ng isang batang nadismaya nang makitang uka ang pinapantasya nitong manilaw-nilaw na mangga, nalerkey ang mga utaw nang mapalapit sila kay rep. Sa halip na kiligin dahil nakadikit ang mga ito sa matinik na idol, napa-ewww na lang ang mga miron. Na-sightsung kasi ng mga ito ang sangkaterbang dumi sa tenga (AKA tutuli) sa loob ng kanyang tainga.

Kuwento kay chikadorang malupet, hindi raw kinakaya ng powers ng mga miron ang tanawing ‘yun kaya naman ang ilang kasamahan sa pamamahayag, pagalingan sa pagpili ng puwesto kapag kakapanayamin si Rep. Para raw silang nagti-Trip to Jerusalem at ang walang mapuwestuhan, eh, mapupunta sa tapat ng tainga ni Rep.

Pero dahil tao na may instinct when it comes to survival, natuto na raw ang ilan. Kapag si Kong, eh, kinakapanayam, ini-stretch na lang ng mga ito ang kamay para maabot ng recorder at mic si Rep o kaya naman, pa-sideview ang p’westo na mukhang bisi-bisihan.

Tsk! Kong na damatans, don’t forget proper hygiene naman pow!

loading...

3 thoughts on “Tago: Ang kuwento ng higanteng dilaw na tutule

Leave a Reply

Your email address will not be published.