ANG KATOTOHANAN SA LIKOD NG PAKIKIPAGBATI NI CHRISTIAN BABLES KINA DIREK PERCI AT JUN

 

Christian Bables

SUPER OA ang kumalat na balita ng pagbabati ng aktor na si Christian Bables kina Direk Perci Intalan at Jun Lana na naganap sa announcement of official entries ng FDCP’s Pista ng Pelikulang Pilipino na all-Pinoy films ang ipapalabas sa buong bansa simula August 15 to 21, 2018.

After the event, lumapit ang aktor kina Direk Perci at Jun. Yumakap. Humingi ng paumanhin sa mga naganap in the past.

Pinabulaanan ni Direk Perci yong kuweno na nagmatik-luhod si Christian sa kanila just to ask for forgiveness.

“Over naman haha! Hindi naman! Nagyakapan lang kami. Happy naman, at least nagkita na rin kami and we are happy na ipapalabas na rin ang Signal Rock nila ni Direk Chito,” panimula niya sa messenger chat naming to make clarification sa isyu na kumalat.

Dagdag pa ni Direk Perci: “Wala naman yata! Wala akong nakitang ganun although alam mo naman si Christian baka may pa-bow lang siguro.

Sa naganap na pagbabati nila: ”Sincere naman siya. Naramdaman ko naman yun.”

Directors Jun Lana, Perci Intalan and Christian Bables

Ayon kay Direk Perci, the last communication nila ni Christian prior to the batian incident: “Alam ko parang binata yata niya ako ng Happy Birthday before Christmas pa last year nung nag-message siya na nagso-sorry sa nangyari. Siguro maluwag naman sa akin kasi dumating naman agad si Martin at masaya naming nakunan ang Born Beautiful and then nabaling na sa Ang Babaeng Allergic Sa WiFi (na isa sa walang official entry fornthe PPP 2018) ang atensyon ni Jun.

“Kaya I guess, best time na talaga para magkita. Lahat masaya,” mensahe ni Dierk Perci sa amin.

Kung may pagkakataon na magkaroon ng film project na muli sila magkasama, okey lang ba sa kanila  ni Direk Jun? “Oo naman, wala na yun. Good vibes na.”

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.