ANG KALOKOHAN NG BID AT ANG SABONG SA COMPOUND NG QUEZON CITY HALL

TALAGANG wala nang katapusan ang nagaganap na iligal na sugal d’yan sa Kyusi.

Hindi pa nga maawat-awat itong si Don Ramon sa kanyang kaliwa’t kanang raket, nariyan din ang Jueteng ni Tony S. Ngayon naman, parekoy, sa loob daw mismo ng compound ng Quezon City Hall, nagpapasabong ang mga alipores ni Mayor Herbert “Bistek” Bautista.

Sa likuran, parekoy, ng bagong tayong Civic Center Building sa Kyusi ginaganap umano ang tupada tuwing Sabado at Linggo.

At gaya ng iligal nina Tony S. at Don Ramon, hindi rin, parekoy, ginagalaw ng mga tauhan ni QCPD Dir. Gen. Benhardi Mantele ang nasabing iligal na sugal.

Pakapalan na lang talaga ng mukha ngayon d’yan sa Kyusi… pwe!!!

PINAHIHIRAPAN NA NGAYON ng pamahalaang Taiwan ang mga Pilipinong naglalayong magtrabaho sa kanilang bansa.

Kung dati, 12 araw lang ang pagpo-proseso ng mga dokumento para sa contract workers sa Taiwan, ngayon ay ginawa nila itong 4 na buwan.

‘Yan, parekoy, matapos pauwiin sa kanilang bansa ng Taiwanese government ang kanilang kinatawan na naririto sa Pilipinas na si Ambassador Donald Lee.

Ibig sabihin, ayaw na nilang makipag-kaibigan sa atin. Kaya sa totoo lang, medyo tagilid na rin ang kalagayan ng libu-libong Filipino workers na naroroon ngayon sa bansang Taiwan!

At sino nga naman ang hindi magagalit, parekoy, pagkatapos mahuli rito sa ating bansa ang 14 na Taiwanese “swindlers,” kaagad na inihanda ng ating Bureau of Immigration and Deportation ang mga kaukulang dokumento upang maibalik sa kanilang bansa ang nasabing mga swindler na Tsekwa.

‘Yon nga lang, sa halip na sa Taiwan ay sa China natin idineport ang nasabing mga Tsekwa!

Walang pinag-iba, parekoy, sa halimbawa: Nahuli nating gumagala sa ating palayan ang kalabaw ni Juan kaya hinuli natin ito para isauli raw sa may-ari… pero hindi kay Juan kundi kay Pedro! Tsk, tsk, tsk!

Susmaryosep naming kagaguhan ‘yan! Paano kung may lokong Pinoy na mahuli sa Taiwan at doon naman nila i-deport sa Mongolia?

Hak, hak, hak, nagkalat talaga tayo ng kabobohan sa buong mundo! Pwe!

Kung ang nasabing insidente ay sinadya ng BID upang magpa-bongga sa China dahil sa pagkilala natin sa “One-China Policy”, malaking kagaguhan ito, parekoy, dahil tayo na mismo ang gumawa ng ating kalbaryo.

Pero kung ang insidente ay “purely” pagkakamali, ibig sabihin napakalaking katangahan ng BID.

Na dapat ay may masibak na pinuno ng BID!!!

INAANYAYAHAN KO PO kayong makinig sa aking programa sa radio na ALARMA KINSE TRENTA, tuwing 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes, sa DZME 1530 kHz (dulong kanan ng talapihitan).

Sa programang ito ninyo maririnig ang tunay na walang takot at walang kinikilingang komentaryo sa mga napapanahong isyu.

Maaari rin po ninyo akong marinig at mapanood sa internet, 6-7 ng umaga sa www.dzme1530.com

Anumang sumbong, i-text lang sa 09152121303 o kaya’y mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.