ANG JUETENG NI TONY S. AT SI REP. EVARDONE

RUMATSADA NA NAMAN, parekoy, ang iligal na sugal ni Tony S. na pinatatakbo ng anak nitong Tomboy.

‘Yan ang impormasyong nakalap natin kung saan ito ay kasalukuyan nang “tumatabo sa takilya” sa nasasakupang lugar ng Quezon City, Pasig at Marikina.

Ayon pa rin sa source, mismong isang “kadugo” ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang “gumapang” kaya pumayag umano itong si Bistek!

Kay Mayor Bobby Eusebio naman ng Pasig at Mayor Del de Guzman ng Marikina, isang nagngangalang “Dindo” ang nakipag-ugnayan umano upang ipaabot ang “hindi matatanggihang halaga” para sa ikatatahimik ng mga ito.

Paging NCRPO Chief General Nick Bartolome, sir, mukhang gusto yatang subukan ng mga Chief of Police at District Directors mo kung totoo ngang may kamandag pa ‘yang “one-strike policy” na ‘yan!!!

NAKIPAGSABWATAN NA UMANO sa Simbahang Katoliko itong si Eastern Samar Rep. Ben Evardone.

‘Yan, parekoy, ang ipinaabot sa atin ng ating “spy” na sa totoo lang ay lubhang nanggagalaiti dahil sa nasabing hakbang ng naturang Kongresista.

Ang nasabing sabwatan ay upang suportahan umano ni Rep. Evardone ang hakbang laban sa pagpasa ng Reproductive Health (RH) Bill, kai-langan namang suportahan ng CBCP ang itinataguyod ngayon nina Evar-done na “chacha.”

Tangna namang buhay na ito, parekoy, anim na ang patay at halos 21,000 pamilya na ang apektado ng matinding pagbaha o kalamidad na kasalukuyang nagaganap sa Eastern Samar. Pero sa halip na sila ang pagtuunan ng pansin nitong si Evardone, abalang-abala ito sa pakikipag-chacha sa Simbahang Katoliko!!!

Kaya nga kung ako ay taga-Eastern Samar, hinding-hindi ko na iboboto sa mga darating pang election ang mga kahalintulad nitong si Rep. Ben Evardone na sa halip na maaasahan mo sa oras ng kalamidad, naroon sa tanggapan ng CBCP nakikipagsabwatan para maisulong lang ang chacha. Pwe!!!

INAANYAYAHAN KO PO kayo na makinig sa aking radio program na ALARMA Kinse Trenta mula Lunes hanggang Biyernes tuwing alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa dzme 1530 kHz (dulong kanan ng inyong talapihitan).

Sa programang ito ay inyo pong maririnig ang PAREHAS at WALANG TAKOT na pambabatikos sa mga kagaguhan ng mga taong gobyerno!!!

Maari rin ninyong i-text ang anumang sumbong o reaction sa 0915-2121303 o mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.