ANG ILIGAL NA SUGAL SA PAMPANGA AT ANG RH BILL

HAIRLINE O “GA-BUHOK” lamang ang pagitan ng “Jueteng” sa STL (Small-Time Lottery). ‘Yan po ang ating kasagutan sa napakaraming tanong na ibinabato sa atin tungkol sa talamak na sugal sa Pampanga, kung saan ang Gobernador na si Madam Lilia Pineda ay asawa ng kinikilalang “Santo Papa” ng sugal.

Bakit Santo Papa? Aba naman, parekoy, hindi ba’t mismong si Ret. Bishop Cruz na rin ang nagsabi na ang Pampanga ay Vatican of Jueteng?

Oh, ‘di ba, ang pinakamataas sa Vatican ay Santo Papa? Kaya si Bong Pineda ang Santo Papa ng Jueteng!!!

May nag-text sa akin, ibig daw bang sabihin, si Gov. Lilia Pineda ang Santa Mama?

Wala pong ganu’n! Hak, hak, hak!

Pero paulit-ulit, parekoy, na sinasabi ni Aleng Lilia… at para bang tiyak na tiyak siya na walang iligal na sugal sa kanyang lalawigan dahil STL daw ang naroroon.

Suriin nga natin, parekoy, kung paano pinatatakbo ang STL.

Una, dapat naka-uniporme at may suot na ID ang mga kubrador nito, na ang ibig sabihin, kung naka-ID lang at walang uniporme ay isa itong paglabag sa patakaran ng PCSO… na ang ibig sabihin ay iligal nga ito.

Pangalawa, dapat opisyal na resibo mula sa PCSO ang papel na ginagamit ng mga kubrador upang matiyak ang eksaktong halaga ng collection sa bawat draw.

Ang patakaran na ito, parekoy, ay upang malaman ng PCSO ang tunay na porsiyentong dapat mapunta sa PCSO, police at LGU.

Dahil kapag hindi orihinal na resibo mula sa PCSO ang ginamit, paglabag ito sa patakaran… kaya maliwanag na iligal ang nasabing operasyon.

Ngayon Madam Governor Lilia Pineda, natitiyak mo rin ba na nasusunod n’yang STL operator mo d’yan sa Pampanga ang mga patakarang ito?

Maliwanag na hindi ano?

Derpor, ang naririyan sa Pampanga ay Jueteng na binihisan lang ng STL.

Ibig sabihin, iligal na gusto lang palabasin na ligal! P’we!

HINDI NATIN MALAMAN, parekoy, kung bakit ganu’n na lang ang galit o pag-kontra ng Simbahang Katoliko sa Responsible Parenthood Bill… lalo na sa condom.

Unahin natin, parekoy, itong condom, ano ba ang masama riyan? Matter of fact eh, ginagamit naman ito ng mga pare! Ehek!

Este, ang ibig kong sabihin, parekoy, gusto lang naman nating maging responsableng magulang kaya isinusulong sa ating bansa ang Responsible Parenthood Bill na ‘yan.

Bakit, gusto ba talaga ng Simbahang Katoliko na maging iresponsable ang sambayanang Pilipino? Ha?

Aba eh, kung ang Diyos nga, matapos ipaalam kina Adan at Eba ang masama at mabuti ay binigyan na sila ng kalayaang pumili!

Ito namang Catholic Church, gustong sila pa ang magdidikta sa ating buhay!

Anti-Kristo raw ang tawag dyan… Hak, hak, hak!

INAANYAYAHAN KO PO kayong makinig sa aking programa sa radio na ALARMA KINSE TRENTA, tuwing 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes, sa DZME 1530 kHz (dulong kanan ng talapihitan).

Sa programang ito ninyo maririnig ang tunay na walang takot at walang kinikilingang komentaryo sa mga napapanahong isyu.

Maaari rin po ninyo akong marinig at mapanood sa internet, 6-7 ng umaga sa www.dzme1530.com

Anumang sumbong, i-text lang sa 09152121303 o kaya’y mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.