Ang Hinagpis ni Katherine Luna

Napanood namin noong nakaraang Linggo ang interview ni Katherine Luna sa Paparazzi ng TV5. Napukaw nito ang aming interes nang ipakita sa mga teasers na may malaking pasabog raw ang Babae sa Breakwater star tungkol sa ex-boyfriend niyang si Coco Martin.

Nag-umpisa ang pagli-link kina Coco at Katherine nang gawin nila ang pelikulang Masahista. Baguhan pa lang si Coco noon sa indie films habang si Katherine naman ay nakikilala na rin bilang isang magaling na aktres. Naging usap-usapan ang bigla-biglang pagbubuntis ni Katherine at si Coco ang itinuturong ama. Dahil ‘di pa ganu’n kasikat si Coco, hindi masyadong pinatulan ng press ang isyung ito.

Nanganak na si Katherine at lahat, pero parang hindi naayos ang gusot sa kanila ni Coco. Kung hindi kami nagkakamali, sinusuportahan na ni Coco ang bata kahit pa noong umpisa ay medyo iwas ito sa press. Naawa kami kay Katherine Luna nang mapanood namin ito sa isang TV show na nabuntis muli at diumano’y bumalik sa pagsasayaw sa mga club para lang matustusan ang pangangailangan ng mga anak. Hindi rin ito naging mapalad pagdating sa pag-ibig dahil sinaktan siya emotionally and physically ng mga lalaking nakarelasyon niya.

Oo nga’t kaawa-awa ang kanyang kuwento sa Paparazzi. Nakaiiyak ang kanyang mga pahayag kina Cristy Fermin tungkol sa naging epekto sa kanya ng pagiging produkto ng isang broken family. Ni hindi nga sinabi sa kanya ng nanay niya kung sino talaga ang tunay niyang ama. Ang kanyang rason daw sa pagpapainterbyu sa TV ay para hindi raw maranasan ng anak niya ang mga napagdaanan niya. Ayaw raw niyang magalit ang bata kay Coco Martin kapag lumaki ito.

Sa tingin ba niya, kung mapanood ng bata ang kanyang interview ay hindi magagalit ito sa kanya? Ano naman kaya ang masasabi ni Coco rito? Ano ang masasabi ninyo sa pangyayaring ito? Kayo na ang humusga.

Comments? Questions? Suggestions? Email us at pinoyfansclub@gmail.com and visit our site at http://www.pinoyfansclub.com

loading...

One thought on “Ang Hinagpis ni Katherine Luna

Leave a Reply

Your email address will not be published.