Hulicam: Ang GF ni Geoff Taylor

Text and photos By Joey Sarmiento

Hanggang ngayon ay dine-denay pa rin ng “Are You The Next Big Star” winner na si Geoff Taylor na meron siyang girlfriend pero ngayon, e, hindi na siya makakawala dahil huling-huli namin ang pagde-date nila sa isang fastfood chain sa Kyusi ng kanyang dyowa.

Yap! Kumpirmadong dyowa ito ni Geoff dahil isang close friend niya na kapatid sa panulat ang nagsabi sa amin na kadarating lang daw ng girlfriend niyang ito galing Japan. Sandali lang daw ang itatagal ng kanyang gf dahil babalik ito sa kanyang work du’n.

Enjoy na enjoy sa pag-lafang ang mag-dyowa nang hindi nila namamalayang merong kamerang-gala na kumakain din nu’ng oras na ‘yon sa naturang fastfood chain. Naka-shades at bonnet pa si Geoff kaya siguro, ang akala niya, e, hindi namin siya mamumukhaan, hek, hek, hek!!!

Siguro, nilibre siya ng dyowa niya sa fastfood chain na ‘yon na parang despedida celebration pero saglit pa ay umalis na rin ang dalawa at kumuha na ng taxi.

Wait a minute. Hindi ba P1million pesoses ang nakuha ni Geoff sa reality search na ‘yon ng GMA7 plus condo unit? Hindi pa ba ‘yon nakukuha ni Geoff kaya hanggang ngayon, e, pasitak-sitak pa rin ang GMA-7 artist?

Just asking lang naman po!!!

loading...

2 thoughts on “Hulicam: Ang GF ni Geoff Taylor

  1. You really know what exactly they doing that?? It’s just for publicity.. Dahil kakapanalo palang ni geoff t. hindi lang ang issue ng pagkapanalo niya ang laging dapat paguusapan, kundi sa ibang side ng personal life niya.. Wala kang magagawa kung ganyan ang mga reporter, nasa showbiz ang EX mo ateng ! they say whatever they want, pero walang masama sa sinasabi niya, Ayaw mo non? Nalaman ng mga tao na ikaw ang dating gf ni geoff t. =)

  2. kylan b nya denay na wala xang gf? assuming nlng na wala? well i know it was 2 years ago, pero parang feel ko magcomment.. he won 1m pro almost a yr bago nabigay. we went there to eat and for the wi-fi. friend ng manager ni geoff taylor yung pinagkuwntuhan nya about that day. actually yung reporter na un ngpalibre pa ng food pero we dont have time kaya geoff taylor gave him money..u know why? bec he thought na friend nya yung reporter na un na friend “daw nila”! kyo n nga bingyan ng money for your food mamasamain nu pa kung ako o xa ang ngbayad.. big deal ba kung cno ngbayad.. sabi mo nga magjowa, it means girl friend. not all the tym laging isa lng ngbabayad.. nakakatuwa, ngyon pa ako ng-comment..after 2 yrs! funny lng.. good luck sa mga fake stories..

Leave a Reply

Your email address will not be published.