Ang Garapal na Parak!

0922-203xxxx – Boss Raffy, sumbong ko lang po sa inyo na si SP04 Pascua, iyong tinanggal na pulis na sumita sa convoy ni P-Noy, ay pumapasada pa rin dito sa Tungko, San Jose Del Monte, Bulacan tuwing umaga. Ito po ay colorum at ang gamit niyang sasakyan ay pulang Revo. Kapal talaga ng mukha at napakayabang pang magmaneho. May baril pang nakasiksik sa bewang nito. Sana po masilip ninyo at mapaimbestigahan ang taong ito.

 

0949-428xxxx – Magandang umaga po, Sir! Hiling lang po namin na sana maimbestigahan po ang mga pulis sa Novaliches Bayan. May mga taga-singil po ang mga pulis na iyan sa mga vendor, at kung minsan naka-uniform pa. Garapalan na talaga ang pangongotong nila.

 

0915-848xxxx – Good day po, Mr. Tulfo! Nais po lamang naming ipanawagan kay Mayor JunJun Binay, sa tulong po ninyo, ang pagpapaalis sa towing service na matatagpuan sa kahabaan ng Sergio Osmena Hi-way, Brgy. Pio del Pilar, Makati City. Ang nasabing towing service ay iligal. Ginagawang impounding area ang kalsada at sa kalsada rin ginagawa ang mga tow trucks nila. Napag-alaman po namin na ito raw ‘di umano ay walang permit at marahil ganoon kalakas sa mga Binay kaya nakapag-o-operate ito. ‘Di pa nakuntento, naglagay pa ng videoke machine na dagdag sa bulahaw tuwing dis-oras ng gabi.

 

0947-620xxxx – Idol Raffy, dito po sa amin sa Brgy. 201 Pasay City, sakop ng PCP 10, talamak po ang snatching lalo na sa mga kababaihan. Nabiktima na po ang anak ko last Sept. 15. Iyong mga pulis dito, kilala ang suspek pero ayaw namang hulihin. Kailangan daw po may warrant muna. Ang mga pulis na naka-duty rito ay nakuhanan ng video na mga tulog at inilabas sa telebisyon last Oct. 30.

 

0932-595xxxx – Good day po, Sir Raffy! Isa po akong student ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa. Nais ko pong humingi ng tulong tungkol po sa mga bayarin at paniningil sa aming eskuwelahan tulad ng tuition fee na ang downpayment ay naka-fix sa P800. Pati mga bayarin namin sa org fees umabot na ng P250 at obligado rin kaming magbayad ng P150 para sa acquaintance party.

 

0932-873xxxx – Sir, sumbong ko lang po na rito sa Phase 10-A Bukid, Bagong Silang, Caloocan City, talamak ang drugs at hulidapan. Ang mastermind daw ‘di umano ay nagngangalang  Oliver. Bata raw ito ng mga pulis dito.

 

0939-554xxxx – Magandang araw po! May ire-report lang po ako na friend ng ate ko. Siya raw po ay nagtatrabaho sa TV5 Aksyon Balita. May ipinakita po siya sa amin na ID at tsapa ng pulis. Nag-alok siya ng tulong sa amin at sabi meron siyang kakilalang financer ng casino at nagpapautang na puwede ang collateral. Nagtiwala kami hanggang sa dalhin niya kami sa casino bitbit ang DSLR na camera pang-collateral namin. Subalit, itinakas niya ang camera. Ngayon po, active pa ang number niya at binabantaan kami. Kinuha kasi niya ang ID ko at ng kasama ko. Ang sabi, malaki silang sindikato at pulis-Maynila raw ang may hawak sa kanila. Nakunan po namin siya ng picture at naipa-blotter na rin po namin siya sa PS5 sa may Ermita. Sana po ay matulungan ninyo kami na mahuli ang taong ito.

 

ANG INYONG lingkod ay napakikinggan sa programang WANTED SA RADYO sa 92.3FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00pm. Ito’y kasabay na mapapanood sa AksyonTV Channel 41. Para sa inyong sumbong o rek-lamo, mag-text sa 0917-7WANTED.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.