ANG GAGONG OMBUDSMAN AT SI DON RAMON NG KYUSI

MATINDI, PAREKOY, ANG palusot nitong mga demonyong taga-Ombudsman kaugnay sa naganap na plea bargaining sa kaso ng magnanakaw na heneral.

Ayon sa Ombudsman, liyamado raw ang pamahalaan sa nasabing bargain dahil mahina naman daw ang mga ebidensiyang hawak nila kung pag-uusapan ang “plunder” o kasong pandarambong na isinampa laban kay dating AFP comptroller Maj. General Carlos Garcia.

Kundi ba naman tayo ginagago nitong mga taga ombudsman, tandang-tanda ko pa parekoy na noong nakikiusap sa Sandiganbayan itong si Gen. Garcia sa pamamagitan ng motion upang payagan siyang makapagpiyansa, sumalungat ang Ombudsman at sinabing hindi raw maaari dahil malakas ang ebidensiya laban dito.

Naniniwala naman tayo, parekoy, na malakas nga ang ebidensiya dahil mismong ang asawa nito ang nagpahayag na tumatanggap sila ng pera mula sa mga trader na mayroong “kontrata” sa Armed Forces of the Philippines kung saan si Garcia bilang “comptroller”, ang sumasaklaw.

TAPOS NAHULI RIN sa U.S. ang mga anak nito sa aktong ipalulusot mula sa ‘Pinas ang milyong halaga ng perang kinulimbat ni Gen. Garcia.

Tapos “all of the sudden”, sasabihin ng Ombudsman na mahina ang ebidensiya laban dito sa magnanakaw na heneral kaya ipinaareglo na lang nila ang kaso nito?

Ang kakapal talaga, parekoy, ng pagmumukha ng mga hinayupak na taga-Ombudsman!

Ito namang animal na Gen. Carlos Garcia, magnanakaw lang itong buwaka nang inang ito, ninakawan na nga ang pamahalaan, lalo pa nitong ginulo!!!

NAGTATANONG ANG MGA residente ng Quezon City kung sino itong tinatawag na “Don Ramon” na ang pa-ngalan ay nagni-ningning ngayon sa apat na sulok ng Kyusi.

Kung bakit daw, parekoy, kasabay ng pag-imbulog ng pangalan nitong “Don Ramon”, sumiklab naman nang husto ang operasyon ng iligal na sugal sa nasabing lungsod.

Hindi rin natin kilala ang taong ito, parekoy… basta ang alam ng “spy” natin, magkasanggang-dikit itong si Don Ramon at si “Papa Mayor”.

At diumano ay takot itong si QCPD Dir. Gen. Benhardi Mantele rito kay “Papa Mayor” kaya “nangingitlog” umano itong tumatalima sa mga salita ni “Papa Mayor” na huwag pakialaman ang mga iligal na sugal at “totnakan” sa Quezon City.

In short, parekoy, may “ugnayan” itong si Don Ramon at si “Papa Ma-yor” kaya namumukadkad ngayon ang mga iligal sa Kyusi.

At nginig sa kanila ang tumbong ni General Mantele…. Peryud!!!

INAANYAYAHAN KO PO kayo na makinig sa aking radio program na ALARMA Kinse Trenta mula Lunes hanggang Biyernes tuwing alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa dzme 1530 kHz (dulong kanan ng inyong talapihitan).

Sa programang ito ay inyo pong maririnig ang PAREHAS at WALANG TAKOT na pambabatikos sa mga kagaguhan ng mga taong gobyerno!!!

Maari rin ninyong i-text ang anumang sumbong o reaction sa 0915-2121303 o mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.