Shooting Range: Ang exhibitionist na government official!

ISANG MATANDANG ASSISTANT Secretary ang binabansagan ngayong Mr. XXX ng mga GRO sa isang malaking night spot sa Metro Manila. Nabigyan siya ng bansag na ito dahil mahilig siyang magpa-BJ sa kanyang mga tini-table na GRO, at gusto niyang pinapagawa iyon sa harap ng maraming nanonood. X-rated na X-rated ang kanyang pagiging X-hibitionist.

Ilan sa mga GRO ng nasabing night spot ang nanginginig sa takot kapag nalamang guest si Asec sa kanilang club. Hindi kasi puwedeng tumanggi ang mga babae sa hayok na kapritso niya dahil ipapasibak niya ang mga ito sa management.

Isang mestisahing GRO na look-alike ng showbiz celebrity na si Bea Alonzo ang minsang naka-table ni Asec at pinag-tripan sa loob ng isang VIP room. Sa harap daw ng mga kasamahan ni Asec at ng mga ka-table nito, iniluwa niya ang kanyang “alaga” nang walang sabi-sabi at isinubo ito sa bibig ng nasabing GRO para ipa-BJ.

Hiniling ng GRO kay Asec na kung puwede ay gawin na lang nila iyon sa CR para hindi naman mababoy ang kanyang pagkababae ngunit sumiklab daw sa galit ang lasing nang si Asec at binantaan ang GRO na ipasisibak niya sa trabaho kapag hindi ginawa ang kanyang gustong mangyari.

Pero may ilan naman sa mga GRO ng nasabing night spot ang kusang pumapayag na rin sa hilig ni Asec dahil sobrang galante naman daw itong mag-tip. Ang konting reklamo nga lang nila ay nagkakamanhiran at nagkakamagaan na’t umaabot na nang siyam-siyam pero hirap pa rin daw gisingin at galitin ang bulinggit na “alaga” ni Asec.

Kapag gusto n’yong malaman kung saang departamento siyang nanunungkulan, subukan niyong tanungin ang ating kapulisan para sa inyong clue.

KUNG SOBRA ANG pagkagalante ni Asec sa mga GRO sobra naman ang pagkabarat nitong isang batang Congressman. Bagay siyang mabansagang Mr. MMK dahil saksakan siya ng pagkamakunat, magulang at kuripot sa mga GRO.

Noong binata pa si Congressman at hindi pa siya pulitiko, minsan nagpa-deliver siya sa isang bugaw ng isang babae sa bahay ng kanyang ina sa isang exclusive subdivision sa Quezon City na tiyempo namang wala roon nang mga oras na iyon. Matapos ang tatlong oras na serbisyo na ibinigay ng nasabing babae, binayaran ito ni Congressman ng P2,000 na halaga ng gift certificate mula sa isang class at sikat na department store – sa maniwala kayo at sa hindi.

Noon iyon, pero ngayon iba na si Cong. at super bigtime na dahil mga high profile showbiz celebrity na ang kanyang mga pinagkakaabalahan. Kung noon ay gift certificate ang kanyang ibinibigay sa mga babae, ngayon ay mga exotic cars, condo at allowance na daan-daang libo kada buwan ang kanyang ipinamumudmod sa kanila.

Malabong mahulaan n’yo kung sino siya dahil protektado siya ng kanyang ina.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.