Ang eksenang dulot ng pagkakaroon daw ng anak ni Marian Rivera!

OLA CHIKKA! MABUBUWANG na talaga ako sa mga isyung kumakalat. Ngayon ko lang ibubuhos ang sama ng loob ko dahil akala ko kapitbahay ko sila rito sa Pinoy Parazzi, pero kung makapagsalita sila ay wala man lamang pasintabi at halos mamersonal na.

Hayaan n’yo pong ipaliwanag ko sa huling pagkakataon ang isyu tungkol dito kay Marian Rivera. Kung natatandaan n’yo ay tumawag nga sa akin itong si Rona De Villa sa DZRH na kasambahay raw siya umano ni Marian at dahil naka-on the air na ito ,at kabastusan naman kung bigla ko siyang ilalaglag nang dahil lamang sa mga sinasabi niyang laban sa aktres.

Ang programa ko ay bukas sa lahat at kung napakinggan n’yo iyon, hindi kayo makapagsasalita nang ganyan.

At isang malaking ‘HELLO!’ rin dahil hindi ko sinisiraan si Marian. Tamang sinabi kong hindi ako naniniwala ngunit sa sobrang lakas ng DZRH kaya marami ang nagtanong tungkol sa isyung iyon, kaya naman isinulat ko rin dito sa Pinoy Parazzi.

Sinubukan kong muling tawagan si Rona, ngunit laging cancelled ang tawag ko at kung minsan ay pinapatay pa. Kung nais n’yo ay kayo na mismo ang tumawag – 09129173427 – at magtanong mismo sa kanya.

Nagpaliwanag ako noong nakaraan dahil hindi ko matiis na hindi magsalita. Dahil na rin ito sa dami ng e-mails, phone calls at text messages na pinadadala sa aking opisina tungkol dito, na pati pamilya ko ay dinamay pa at halos patayin na ko sa mga sinasabi nila.

Naiintindihan ko na may mga fans na makikipagpatayan para sa kanilang iniidolong artista. Ngunit sana rin naman, naiintindihan nila na ginagawa ko lamang ang aking trabaho at walang personalan. Hindi ako nagsususlat para mamuri o manira ng kapwa dahil kung ano ang totoo, ‘yun lamang ang inilalagay ko. At sinisigurado kong hindi ako nagiging one-sided at walang kinakampihan. Hindi uso sa akin ang PRAISE release. Kaya kung galit kayo sa akin sa pagsasabi ng totoo, wala akong magagawa dahil hindi n’yo rin puwedeng zipper-an ang bibig ko.

Fourty years na ako rito sa showbiz industry at kahit minsan, hindi ako nademanda at nakasuhan. Hindi ko rin kailangang makisawsaw sa mga isyu ng mga artista, dahil meron din naman akong dalawang radio program at maging dito sa Pinoy Parazzi ay maaari kong iparating ang mga nais kong sabihin. Kaya hindi ko na kailangan gumamit ng kahit sino pa.

Marami ring iba riyan na ginagamit ang pangalan ko. Maging sa internet, nagpapanggap na ako makakuha lang ng chikka at isa na rito ang nag-text kay Shalala ng Walang Tulugan, kaya mas lalo pang lumaki ang isyung ito.

May nag-text kay Shalala noong April 23 sa ganap na 3:45 ng hapon na ipinasa naman sa akin ng girl friday ni Lolit Solis na si Gorgy Rula at ito ang sinabi sa text: “HOY, Shalala, c swarding E2? C Marian revera Pala ay May Anak sa pagkadalaga? Na 7 years old na ang BATA? Bket BAYAS ang Gma7 Kay Marian Revera hah? Plastik”

Tanong ko lang, kung may nais akong malaman bakit idadaan ko pa sa text? Eh, p’wede naman itawag ‘yan. At kahit papa’no naman, alam ko ang spelling ng pangalan ni Marian, ‘noh!

AY TEKA BAKA maubusan na ko ng space para sa chikka, ipagpumanhin n’yo ngunit nadala lang ako.

Naloka naman talaga ko sa hindi pagsipot ni John Lloyd Cruz sa nakaraang PMPC Star Awards for Movies, kung saan siya ang nahirang na Best Actor. Tanong ko lang… ano ba talaga ang dahilan? A. Dahil si Ruffa Gutierrez ang host;  B.Hindi umepek ang ‘Ingat!’ niya at sumakit ang ulo;  C. Lasing;  D. Hindi pinayagan ni Shaina Magdayao;  E. All of the above. Ha-ha! ‘Yun na!

At huwag n’yo pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa [email protected]. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleClickadora: PBB Teen Edition Clash of 2010!
Next articleDahil sa ‘Pang-aasar’ kay Katrina Halili sa Hearing, Vicki Belo muntik ma-contempt sa korte

No posts to display