Tago: Ang dragon sa Batasan

Wazzup, wazzup, adiktus sa sigarilyus ng Republika ng ‘Pinas?! Ito ang nagbabagang chikang nasagap ng ating Parazzi Chikadora para sa umuusok n’yong mga dila na nagpapaapoy ng tsismis at intriga!

Isa raw kasing honorable ng House of Reps ang laman ngayon ng tsikahan sa four corners ng Batasan. Ang siste, may mga mirong nakasaksi sa kadragonan ng honorable.

Putok na putok daw sa Kamara na yosi boy ang ating bida. Minsan, nag-excuse daw ito habang nasa kainitan ang isang sesyon. Inakala raw ng mga nandu’n na pag-ihi lang ang kanyang pakay. Pero may mga miron daw ang pinalad (o minalas) na makasabay si Kong sa mahiwagang palikuran.

Laking gulat na lang daw ng mga miron nang makitang ep na ep sa pag-ihi si Kong kasabay ng walang puknat na paghithit-buga sa yosi. Dahil kailangang hawakan ni Kong ang *toot* para makaihi nang maayos, nakaya pa rin niyang humigop ng usok at palabasin ito sa bibig at ilong. O, ha! Parang dragon nga.

Hay, Kong of the House of Reps. Hinay-hinay lang po sa pagpapausok dahil baka masayang ang mga itinanim mo sa Kongreso kung maagang matutusta ang baga mo. Buti sana kung katulad mo si Popeye na may magic spinach, ‘no!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.