Andrew Wolffe, tatay na!

TIYAK NA mag-iiba na ang direksiyon ng buhay ni Mr. World Andrew Wolffe ngayong siya’y isa nang ganap na daddy mula nang ipinanganak nu’ng Sept. 9, 2013 sa Norway ang napaka-cute na si Adrianna Zoe Cederstam Wolffe.

His girlfriend’s name is Janka Karin Cederstam. Hayan at exclusive na ibinigay sa atin ang mga photos. I’m sure, ngayong tatay na ay seryoso na sa kanyang career si Andrew.

Kaya good luck, Drew! Ikaw na!

 

INAAYOS NAMAN sa GenSan ang kasal nina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Kasal muna bago pa lumaki ang tiyan ni Melai para naman napakaganda pa rin niya sa kanyang bridal gown. Excited na nga raw ang dalawa sa kanilang coming baby.

At sa totoo lang, at kahit ang ibang naging parents na can agree with us na iba ang feeling pag tatay o nanay ka na. Nag-iiba ‘yung tanaw mo sa buhay. Saka sumeseryoso ka na.

Kaya nga nabubuwisit kami sa mga lalaking biniyayaan lang ng nota, pero nakalimutan nilang may “bayag” pala sila.

Alam na.

 

HONESTLY, NU’NG ibinalita sa amin ng aming “bossing” na huling episode na ng “Showbiz Inside Report” bukas ay hindi pa nagsi-sink in sa utak namin ‘yung kanyang ibinalita. Pero hindi naman kami nagbitaw ng, “Baka nagbibiro ka lang, ha?” Kasi, alam naman naming hindi kahit kelan nagbiro ito sa amin basta may kinalaman sa aming trabaho.

Hindi na muna namin idedetalye kung ano ang ipapalit, but definitely, ‘yung 20 months ay hindi na aabutin pa ng 24 months. Ganu’npaman, thank you pa rin sa pagsama n’yo sa amin.

Mami-miss namin ang programang ito, lalung-lalo na ang samahan ng mga host na kahit kelan ay hindi nagkaroon ng pikunan o inggitan. At ang mga competent staff na palagi pa rin naman naming nasasalubong sa ABS-CBN.

Natanggap na namin ang pagkawala. At lalo naming tatanggapin ang “pagkakaroon” ng panibagong show sa darating na araw.

Kahit kelan naman ay hindi kami pinabayaan ng Kapamilya network.

At sure ako diyan!

 

COOL NA cool lang pala itong si Ms. Joyce Penas Pilarsky nang ma-meet namin personally sa Manila Hotel last week. Kahit inookray na ng kanyang pinaaral ng kolehiyo na si Roden Araneta ay hindi namin siya nahuling nakasimangot or napikon.

Sino ba si Ms. Joyce? Siya lang naman ay ginawaran ng Most Oustanding Artist in Baden-Wurtenberg Germany nu’ng 2007. She’s the reigning Mrs. World International 2013 at nakuha niya ang People’s Choice Award sa ginanap na MWI-2013 sa Niagara Falls, USA.

Para rin pala siyang si Ms. Cory Quirino na health conscious. Me ginawa rin siyang libro na ang title ay “YSG (Young, Sexy & Gorgeous)” para sa mga edad kuwarenta pataas para manatiling healthy and younger looking.

Isa rin siyang painter at ang karamihan sa mga masterpieces niya ay nasa Asia, Middle East, Europe, USA at Africa na. Based in Germany si Ms. Joyce at gusto niyang i-boost ang Philippine tourism in her own small way through her paintings.

Nandito siya ngayon para tanggapin ang award niya bilang Manila’s Best Dressed and she will present her 2014 summer collection at the Brooklyn Fashion Weekend in Brooklyn, New York in October.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

One thought on “Andrew Wolffe, tatay na!

Leave a Reply

Your email address will not be published.